Psst! Oo, Ikaw!
(Mga kuwentong sumingaw lang sa butas ng aking utak)
Sa lahat ng kakilala ko...
...At mga makikilala pa.
Sa Pamilya ko...
Sa iyo...
...At sa akin.
ALPHA.
Noong unang panahon, may kanya-kanya pang utak at paa sina Mata, Ilong, Bibig, Tenga at Puso. Matalik na magkaibigan sina Ilong at Bibig. Si Tenga ay kabilang sa independent party, laging may sariling mundo at madalas na nagbibingi-bingihan. Mortal nilang kaaway si Mata sa kadahilanang lahat eh pinupuna nito. Si Puso naman ang kaibigan ng lahat.
Isang araw, habang namamasyal sa SM Mall of Asia sina Ilong at Bibig eh palihim pa silang sinundan ni Mata kahit na hindi naman talaga nakakakita ang dalawa. Ngunit biglang natigilan ang dalawa sabay bulong ni Bibig, “May naaamoy ka bang muta?”. Hindi siya sinagot ni Ilong kasi hindi naman sya si Tenga para marinig yun at hindi rin nya kayang magsalita kasi hindi sya bibig. Pero gaya ng inaasahan, nandoon nga si Tenga, tahimik na nakikinig sa kanyang I-Pod. Dinig na dinig nya ang lahat ng sinabi ni Bibig ngunit pinili nitong wag makialam.
Samantala, tahimik na nakikipaglaro si Puso sa mga kaibigan nitong Red Blood Cells...
Nagpaulit-ulit lang ang kanilang kwento. At dahil wala namang nangyayaring iba, isang malakas na kapangyarihan ang biglang nag-alis sa pag-iisip ng lima. At doon ipinanganak si Utak, mula sa pinagsama-sama nilang utak, at ang kanang kamay nitong si Kamay.
Noong una ay naging maayos ang takbo ng buhay nila. Sa tulong ng matalinong pag-iisip ni Utak at mababang-loob ni Puso, nagkaroon ng tulungan ang lahat. Hindi na kaaway nina Ilong at Bibig si Mata. Nakikialam na rin si Tenga. Si Kamay naman ay walang sawang nagbibigay ng tulong sa iba sa abot ng kanyang makakaya.
Pero hindi nagtagal, ipinanganak si Abuso na nagmula sa kawalan at kagaya ng ilang espiritung masasama eh sumanib ito kay Utak. Unti-unting lumaki ang ulo ni Utak at tuluyang nagbago ang kanyang kulay. Naging mayabang si Utak dahil sa kapangyarihan nyang kontrolin ang lahat ng nilalang. Simula noon, naging bulag si Mata sa mabubuting bagay. Nakita nya ang lahat ng bawal makita. Si Ilong at Bibig naman ay natutong gumamit ng bawal na gamot. Si Kamay ay natutong magnakaw. At si Tenga ay nakikinig sa mga tunog na hindi katanggap-tanggap sa lipunan.
Sa kabilang banda ay lumalaban si Puso, bagay na ikinainis ni Utak. Bagay na ikinainis rin nina Mata, Ilong, Bibig, Tenga at Kamay.
At nagsimula ang isang panibagong giyera.
KULANGOT
A Smell of Bitterness
Bang! Bang! Bang! Kaboom!
Pamatay ang introduction ko no?Well, patikim pa lang yan. Ito ang totong pamatay..
Simula pa nung bata ako ay hindi ko pa nararanasang magkaroon ng BO (Bad/ Body Odor). Siguro may proper hygiene lang talaga ako. Naalala ko pa nga nung bata pa ako at bago pa lang natututong sumalat at bumasa, lagi akong may bimpo sa likod at makapal yung pulbo sa mukha na bumagay naman sa buhok kong mala-Jose Rizal ang dating. Nakita nga ako noon ng kapitbahay naming at sabi sa mama ko, “ Oi, mare, ang gwapo naman ng anak mo… mukhang mabango..hmmmm.”. Ngunit bago pa makasagot ang nanay ko eh nakaextra agad ako sabay sabing,“ Hindi naman! Mabaho ka lang!”. Inamoy muna ng kawawang kapitbahay naming yung kilikili nya at saka umalis. Simula noon ay hindi na namin siya nakita. Ang balita ko ngayon ay supplier na sya ng tawas. Sayang, crush ko pa naman yung anak nya noon kasi lagi nya akong binibigyan ng libreng ice candy sa tuwing maglalaro kami ng anak nya ng bahay-bahayan.
Balik tayo sa BO. Ang BO daw sanhi ng multiplication of bacterial species na kadalasang tumitira sa mga mamasa-masa at mainit-init na parte ng katawan- ang best examples ay singit at kilikili. Kaya kung may proper hygiene ka eh malabo kang magkaroon nito. Naalala ko tuloy nung nagbalak kaming uminom ng alak ng mga kaibigan ko. Pagsakay namin sa tricycle eh pakiramdam agad namin na lulong na kami sa droga kahit na yung mismong plano eh hindi pa nasisimulan. Mas malakas yung tama! Then, we therefore concluded na nakaka “high” din pala ang pag-amoy sa kilikili ng isang tricycle driver. “Siyeeet!” tagos pa rin yung amoy kahit na sobrang kapal ng fatigue jacket nya. Imposibleng guni-guni lang yon. Bangungot, pwede pa. Gusto ko sanang itanong, “ Mamang driver, me Rexona ho ba na tae flavor?” Pero hindi na lang, baka kasi hindi na kami makauwi ng buhay.
May text rin akong nabasa. Pano mo daw sasabihin sa kaibigan mo na may bad breath siya pero hindi sya dapat maooffend?
Ikaw: Ahm.. tsong, excuse me, tae ba ulam nyo kanina?
Ang mga BO victims ay nagkalat lang. Meron ata kahit saang sulok ng mundo. Tsk… nakakaawa. Lalo na pag mahal mo pa sa buhay ang biktima o kahit mismong ikaw. Alam ko na nakakahiya talaga kapag ikaw ay may lihim na amoy. Hindi masamang maglihim at magtago ng sikreto, pero kung amoy na ang pinag-uusapan, too bad.
Pero alam mo, madali lang iwasan ang BO. Una, maligo at maglinis ng katawan araw-araw. Pangalawa, magsuot ng malinis na damit. Magpalit lagi ng underwear (hindi effective ang Side A-Side B style promise!) at saka marami na ngayong naglalabasang deodorants, at ang pinakasikat- ang tawas at pwede din daw ang calamansi (sabi ng pinsan kong adik, mas effective daw ito kung gagamitin mo muna bago mo ito gawing calamansi juice). Pero siyempre, hindi ko rin pwedeng sisihin ang ilang kababayan natin na ni pisong tawas eh hindi makabili.
Binatang Anak: Nay, pengeng piso, bibili ako ng tawas.
Ina: (galit mode) Ayokong bawasan ‘tong pantaya ko sa Jueteng! Hala, akyat sa taas at buksan mo ung cabinet ko, me eskoba dun!
Pero naisip ko, kelan kaya nagsimula ang BO? Hygienic na kaya noon ang tao? Si Adan at Eba ay nagka-BO rin? Hindi ko alam. Ikaw alam mo? Hala! Teka lang 2 days na pala akong di naliligo!
6:45 p.m.
Mapula ang tigyawat ko. Gusto kong tirisin.
Grammar
Sa henerasyon natin ngayon, marami na ang nagbago, at marami sa mga pagbabagong ito ay hndi ko alam kung katanggap-tanggap ba sa paningin at pandinig ng mga taong pwede nating tawaging ninuno.
...
Engineering student ako. Sabi nila, kapag engineering daw, magagaling sa mathematics. Logic? Sabi... nila.
Engineering student ako. Sabi nila, kapag magaling daw sa math, bobo pagdating sa English. Logic? Sabi... nila.
Totoong puro problem solving ang madalas na ginagawa namin sa klase. Pero siyempre, may mga oras din na kailangan naming magsalita ng English.
Hindi totoong mahihina sa English ang mga engineering students. Minsan nga, gusto kong hanapin at harapin ang mga taong nagsasabi ng ganoon. Gusto kong ipamukhang MALING-MALI SILA! THEY IS NOT RIGHT TO SAYING THATS WORDS! GRRRRRR!
...
Yes, I am corrected but me.
7:00 p.m.
Yes! Lalabas na yung laman!
Nosebleeder
Tuloy sa usapang ingles...
Totoong nahihirapan ako sa pagsasalita ng English. Ewan ko kung bakit bobo ako pagdating doon. Pag nagsusulat ako, medyo maayos naman. Ano kaya ang problema sa akin?
English... English ang lenggwaheng kayang magpaagos ng dugo sa aking ilong. Sabi nga ng maraming estudyante- “nosebleed”. “Nosebleed”, paboritongexpression ng pangkaraniwang mag-aaral sa tuwing makakarinig ng mga salitang tagos sa kalaliman ng utak- ang mga malalalim na tagalog at siyempre, ang English.
Maraming paraan ng pagpapahayag ng damdaming “nosebleed”:
-Pagsinghot ng malakas sa harap ng kausap
-Pagpapahid ng panyo sa dalawang butas ng ilong
-Pagsigaw ng “BALDE! BALDE! TUTULO NA!”
-Pagsigaw ng “DUGO!” habang nakahawak sa sariling ilong
-Pagkutkot sa loob ng butas ng ilong at literal itong paduguin
Ewan ko kung sino ang nakaisip ng expression na yon. Pero may point naman pala sya. Nakakabilib. Napakamatalinghaga... napakametaphorical.
...
Alam mo ba yung balinguyngoy? Ang balinguyngoy ay ang literal na tagalog ng salitang nosebleed. Tinatawag din itong “epistaxis” sa English.
(singhot muna)
Ang epistaxis o balinguyngoy ay ang karaniwang pagdurugo ng ilong na karaniwan namang napapansin kapag namintana ito sa dalawang butas. May dalawang klase ang epistaxis: ang anterior na pinakamadalas na nangyayari at ang posterior na bagamat bihirang maranasan eh napakadelikado at nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.
May mga kaso ng epistaxis ang nakamamatay. Pwede kasing umakyat ang dugo sa mata o di kaya naman ay bumaba sa tiyan at maaaring magdulot ng pagkahilo at pagsusuka na maaring mauwi sa paghihingalo na mauuwi sa pagkamatay. (shocks!)
May mga paraang ginagawa para mabilis na huminto ang pagdurugo ng ilong. Nabasa ko noon sa isang libro ko sa Health na dapat daw pisilin ang dalawang butas ng ilong at tumingala ng bahagya habang humihinga sa bibig. Ako naman, iba ang gimik ko. Nagdudurog ako ng mga pinitas na dahon ng bayabas at iyon ang aking inaamoy. Sabi ng lola ko, mabisa daw na panlaban sa balinguyngoy ang pagkain ng nguso ng baboy. At sabi ng kalaro kong adik, mabisa din daw ang modess.
...
Masakit ang ilong ko ngayon pero wala akong epistaxis. Acute coryza, meron.
(singhot)
...
Uhog
Bugtong: Dalawang kastila, namimintana.
Sagot: Sipon
Ang sipon, o common cold sa English, o acute coryza para sosyal, o acute viral nasopharyngitis para nosebleed, o sipon na lang para simple ay sinasabing isa sa pinakanakakahawang sakit mula sa mga organismong tinatawag na virus na nagdudulot ng impeksyon sa ating respiratory system. Common symptoms are sore throat, runny nose, nasal congestion, sneezing and cough; sometimes accompanied by 'pink eye', muscle aches, fatigue, malaise, headaches, muscle weakness, and/or loss of appetite. Fever and extreme exhaustion are more usual in influenza. The symptoms of a cold usually resolve after about one week, but can last up to 14 days. Symptoms may be more severe in infants and young children. Although the disease is generally mild and self-limiting, patients with common colds often seek professional medical help, use over-the-counter drugs, and may miss school or work days. The annual cumulative societal cost of the common cold in developed countries is considerable in terms of money spent on remedies, and hours of work lost.
The primary method to prevent infection is hand-washing to minimize person-to-person transmission of the virus. There are no antiviral drugs approved to treat or cure the infection. Most available medications are palliative and treat symptoms only. Megadoses of vitamin C, preparations from echinacea, and zinc gluconate have been studied as treatments for the common cold although none has been approved by the Food and Drug Administration or European Medicines Agency.
Common colds are most often caused by infection by one of the more than 100 serotypes of rhinovirus, a type of picornavirus. Other viruses causing colds are coronavirus, human parainfluenza viruses, human respiratory syncytial virus, adenoviruses, enteroviruses, or metapneumovirus.Due to the many different types of viruses, it is not possible to gain complete immunity to the common cold.
...
Can’t you understandable? You were in nosebleeding?
...
Yes, I am nosebleeding but me.
Dude! Its Christmas!
Many of us know Rudolph, the red-nosed reindeer with a very shiny nose. Definitely, the red color of his nose is neither because of epistaxis nor acute viral nasopharyngitis.
According to my friend, the internet, Rudolph the Red-Nosed Reindeer is a song and popular Christmas story about Santa Claus's ninth and lead reindeer that possesses an unusually red-colored nose that gives off its own light, powerful enough to illuminate the team's path through inclement weather.
The story is owned by The Rudolph Company, L.P. and has been sold in numerous forms including a popular song, a television special (done in stop motion animation), and a feature film. Rudolph was created by Robert L. May in 1939 as part of his employment with Montgomery Ward. Character Arts, LLC manages the licensing for the Rudolph Company, L.P. Although the story and song have not passed into public domain, they have established themselves as folklore (as evidenced by the development of local variations and parodies such as "Deadeye the Lonesome Cowboy," collected in the field by Simon J. Bronner and included in American Children's Folklore).
...
May swimming pool na ng dugo dito.
Nakakahilong mag-English.
Nagsusuka na ako...
naghihingalo na ako...
...
Patay na ako.
9:00 p.m.
Dumudugo na ang ilong ko, pengeng bulak.
LAWAY
Pampainit
Warm up ko lang ang mag-aksaya ng laway sa kakasabi ng mga kalokohan sa buhay. Matakaw akong magsalita. At lagi akong busog sa halakhak.Gutom din ako sa halakhak ng iba at alam kong ikamamatay ko ang isang araw na wala akong napapasayang tao. Ipapagtimpla kita ng mainit na kape mamaya pramis kapalit ng pagtawa sa mga gasgas kong linya na hindi naman talaga ako ang gumawa. Maawa ka!
Eto na...
Isang gabi, sa isang liblib na lugar, tumigil ang kotse ng isang lalaki. Wala namang sira ang kotse at marami pa itong gas.
Weird..
May ermitanyo sa may puno ng balete na lumapit sa lalaki. Ibinebenta ng isang ermitanyo ang libro. P1000.Namahalan ang lalaki, pero napilit rin siyang bilhin ito.
Bilin ng matanda, huwag tignan ng lalaki ang huling pahina ng libro, kundi.. Magsisisi siya!
Tapos biglang nawala ang matanda..Umandar ang kotse..Sa bahay, hindi makatulog ang lalaki. Kinuha niya ang libro. Tiningnan niya ang huling pahina..
Ang nakasulat. NATIONAL BOOKSTORE
P47.50!
...
Man-Help me.....Doc.....Nakainom ako ng baygon.....Doc-Bakit? Mag suswicide ka ba?Man-nakalunok kasi ako ng ipis.Doc-dapat kumain ka nalang ng tsinelas.....
...
teacher: juan,read your 500-word essay..juan: ok maam..
my muning,bow
i have a muning. my muning is lost. so i went outside the house to look for my muning......muning(482x)
...
Tumawa ka. Nakahanda na yung kape.
Kape Fever
Ang init grabe! Dahil kaya kakatapos ko lang kumain ng mainit na cup noodles at uminom ng mainit na kape pagkatapos kong kumuha ng mainit na tubig habang nakatingin sa akin ang mainit na ulong guard ngayon dito sa napakainit na dorm na ito? Ay grabe! Umiinit na rin pati dugo ko!
Kape... tama, kape nga. Umiinom ako ng kape. Ikaw? Mahilig ako sa kape. Ngunit ano ba ang kape?
Ang kape o coffee sa ingles (pwede din daw ang brown sabi nung kapatid kong 4 years old) ay nagmula sa buto ng bunga ng puno ng kape.. oo, galing sa coffee tree.Kinukuha ung bunga sa puno (siyempre) tapos ay ibinibilad sa init ng araw para matuyo.Kapag tuyo na ang nasabing bunga, sabay-sabay itong isinasangag. Mapapasing lahat halos ng kape eh medyo itim ang kulay. Iyon ay dahil sa pagsasangag.Kapag tapos na, handa na para iprocess- ang paggiling o pagbayo sa sinangag na buto para maging pino.
May ibat-ibang klase ng kape. May instant coffee na napakadaling i-preprare. Kuha lang ng mainit na tubig, ilagay ang kape, asukal(optional, lalo na pag 3-in-1 ung binili mo), at creamer kung hindi ka sanay at mangangati ka at tutubuan ng pantal-pantal sa balat o rashes kapag uminom ka ng kapeng walang creamer.
Ang isa pang uri ay ang sikat na sikat sa Batangas. Ala eh, pagkakasarap nire eh! Napakanatural daw eh! Iba naman ang paghahanda dito eh. Sa amin kasi, niluluto sa mainit na tubig ang kapeng barako eh. Nilalagyaniyon ng konting sugar(para sosyal) according to your taste and presto! Pwede nang inumin ang kapeng barako eh! Whew! Pagkakasarap nire eh! (O.A. na ako, tama na. Peace po sa mga Batangueño. Trivia: 2 years po akong tumira sa Batangas at doon po ako gumaraduate ng high school.)
May sosyal na kape. Ang kapeng Starbucks. Kaso ayokong magsulat tungkol don. (Hindi pa kasi ako nakakapunta dun.)
Another trivia:
Alam nyo bang pwedeng gawing kape ang bigas? Oo, kahit basahin mo ulit, tama yang binabasa mo at seryoso ako. At alam kong hindi mo alam kasi sa baranggay lang ata namin naimbento ang ganyang kaweird na bagay. Itunuro yun sa akin ng nasira kong lola (sumalangit nawa) kung pano ginagawang kape ang bigas. BIGAS? GAGAWING KAPE? Isasangag lang din yung bigas at pag umitim na... Yehey! Kapeng bigas na! Parang kapeng barako din yung paghahanda. Ang finished product, lasang di mo maintindihan kung kape, bigas o formalin yung iniinom mo.
May nabasa nga pala akong horoscope kanina:
CANCER: Magiging busy sa trabaho bukas. Matulog ng maaga. Wag uminom ng kape. Lucky number sa Jueteng:4-10, tumbok na 10 piso. Lucky color: fusha..fiusha..fushcia.. RED!
Cancer... Ulitin ko ulit. Cancer, yung killer na sakit. Maging specific tayo, breast cancer. Maraming manyakis na siyentista ang nakatuklas na ang pangunahing sanhi ng nasabing sakit ay kape... kape-pindot at kape-pisil... hmmm... ang corny ko talaga kahit kelan. Payo lang, lalo na sa mga girls, ingat sa mga lalaking mahilig sa kape.
Eh, papano ba malalaman kung nililigawan ka ng isang mahilig sa kape?
TIP#1: Hyper, over acting at over active
TIP#2: Tignan mo ng mata sa mata. (pag mukhang puyat, nagkape yun)
TIP#3: Itanong mo. (see the dialogue below)
Babae: Bakit mo ako nagustuhan?
Lalaki: Mukha kang kape eh...
Kape... yan ang dahilan kung bakit hindi makatulog at kung bakit humaba ng ganito ang sinusulat ko gayong paliguy-ligoy na lang at walang kwenta. Para ngang gusto ko pang magsulat tungkol sa basurang nakakalat sa roon namin eh.
...
Bukas na lang pala. Matutulog na ako. Ubusin ko lang itong kape ko.
Tumataeng Bunganga
(Wala na naman akong matinong title. Hehehe.)
February 19, 2007
dEAr dIAry,
Ubos na ang powers ko. Ganon pala ang pakiramdam. Kanina lang eh nag-ala-Marimar ang buhay ko. Pagod ang isip ko at katawan. Puso? Pwede.
Narito na naman ako, nagsusulat ng walang kwentang bagay. Hindi ko tuloy makuhang magpatawa ngayon kahit kalbo ako at nag-ahit ng balahibo sa kilikili. Haaaayy....
siey
Kamakailan lang ay napasailalim ako sa kapangyarihan ni Depression. Ngunit ako ay nakipagtagisan ng lakas sa kanya at ngayon ay unti-unting lumalaban at bumabangon sa pagkakalugmok. Whew! (lalim nun ah)
Sabihin ko na kung bakit. Wag kang maingay ha. Nabasted kasi ako ng nililigawan ko. T_T How Sad.
Ano bang masayang pag-usapan? Dapat yung masaya para naman makabawi-bawi ako kahit papaano. Hehehehe. Ano ba yung masaya? Ano ba ang kaligayahan? Hindi ko rin alam.
Katapusan.
Hindi pa pala kasi after 3 weeks:
Yey! Masaya na ulit ako. Bwahahaha. Hmmm... Paano nga ba nagiging masaya ang isang tao? Pag mayaman ka ba, ibig sabihin masaya ka na? Pag matalino ka ba, ibig sabihin masaya ka na? At papaano mo talaga masasabing masaya ka ngang talaga?
Kamakailan lang eh natapos na ang klase ko sa Psychology. Walangyang subject, muntik ko pang ibagsak at may isa pa akong subject na delikado. T_T
...
Summer Vacation.
Wahahaha! Wala akong subject na sumabit. Ang sarap sa pakiramdam! Bwahahahaha!
Kahit summer na ngayon at tapos na ang 2nd semester eh pilit kong aalalahanin ang mga aral na natutunan ko habang natutulog ako sa mga klase ng Psychology.Ito ay ang mga aral tungkol sa kaligayahan.
Base sa natandaan ko... hmmm... teka... hala! Wala na akong mataandaan! Hehehehe. Hmmm... Pagtuunan natin ng pansin ang tungkol sa pera, bagay na pilit kinakamit ng mga kababayan nating nagdidildil ng asin at ng mga estudyanteng katulad ko nat pilit namang binibingwit ng mga buwaya sa karagatan. Ang unang tanong: Deal or no deal? Masaya ka ba pag marami kang pera? Maaring maraming sumagot ng malaking OO. Pero ang totoo, hindi batayan ang kayamanan sa pagkakamit ng kaligayahan. Bakit? Kasi mayroong dalawang pangunahing dahilang binuo ng guni-guni ko:
1.Adaptation Level Principle, at
2.Relative Deprivation Principle
Kung ano man ang ibig sabihin nyan eh kayo na lang ang magresearch. Hehe. Joke lang.
Sige na nga! Simple lang ang paliwanag. Una, hindi nakukuntento ang gusto ng tao. Dadating ang araw na mas masaya ka na kapag may lumabas na bagong bagay na gusto mong makuha. Ihalimbawa ko ang cellular phones. Nong unang ilabas ang unit na 5110 ng Nokia Corporation, at isa ka sa mga unang nagkaroon noon, nasabi mo na lang na may kasamang mura, “ Siyet! Astig ako! Masaya ako... kuntento ako.”. Ngunit di nagtagal ay naglabasan ang mga bagong models, lahat ng friends mo meron na. Ikaw, lumang model. Yuck! Hindi ka “cool” gaya nila. Hindi ka na masaya. Nagpabili ka sa nanay mo. Latest model. High tech. Ngunit dahil tanga ka eh naiwala mo kung saan at pinagbintangan mo ang katulong nyo na noon eh bagong shopping at galing sa spa center na siyang kumuha ng nasabing cellphone. Anak ng katulong! Napagalitan ka ng nanay mo at dahil doon ay hindi ka na nya ibinili ulit bagkus ay ibinalik sa iyo ang luma mong 5110 na habang maghapon kang sinesermunan ay nanonood yung katulong nyo habang palihim siyang tumatawa na parang demonyo. Napakalungkot mo. Wala ka ng mukhang ihaharap sa mga kaibigan mo. Pero hindi mo ba naisip na noon eh proud na proud ka dito? Yan ang Adaptation Level Principle. Gets?
Simple lang din ang Relative Deprivation Principle. Lagi mong iniisip na laging may mas nakakahigit sa iyo. Halimbawang kumikita ka ng 1 milyon kada buwan, ngunit yung kakilala mo, kumikita ng 2 milyon, tapos isang manager ka at isang basurero siya (totoong may pera sa basura!) , hindi ka pa rin masaya.
Isa lang naman ang gustong palabasin ng dalawang prinsipyong ito: HINDI NAKUKUNTENTO ANG TAO!
Hehehe.. akala mo napakagaling ko sa Psychology no? Tulad ng sabi ko, muntik na akong bumagsak dun.
Naisip ko ngayon lang, pag gwapo o maganda ba ang tao, masaya siya? May kinalaman ba talaga ang ganda ng mukha? Masaya ako. Sige, hulaan nyo kung anong hitsura ko.
Eh ang katalinuhan? Lahat ba ng mahina ang ulo ay malungkot?
Laughter is the best medicine daw. Naniniwala ako dyan. Nagiging masigla ang katawan kapag tumatawa. Sabi dun sa isang librong nabasa ko, kahit peke ang tawa mo eh nagrereact ang katawan at naglalabas ito ng enzymes na nakakapagpasigla sa ating sistema. Kaya kahit malungkot ka, tawa ka lang. Gawin nating inspirasyon ang mga baliw. Tingnan mo sila, hindi nagkakasakit, kasi tawa sila ng tawa.
Tawa ka lang palagi. Maging masaya sa iyong sariling paraan.
...
Baliw ka! Baliw! Baliw!
Hayop sila!
Kakaiba talaga ang mga hayop na ito. Hayop talaga!
-Minsan, kinakain ng aso at pusa ang mga bagay na hindi naman kinakain tulad ng bato, alikabok, damit, goma, at tali.
-Ang mga hayop na ito ay malaki ang tsansang mamatay sapagkat maaring magbara sa kanilang lalamunan. Parang tao pala ang mga ito. Tsk... tsk.
-Kumakain din sila ng sarili nilang tae o tae ng iba kasama na ang tae ng tao.Malimit itong mangyari sa mga aso at bihira sa pusa. Ano kaya ang lasa ng tae? Matamis kaya? Totoo kaya ang kasabihang “Smells like hell but tastes like heaven!”? Itatanong ko sa aso ko mamaya.
-Sa ibang hayop, kulay asul naman daw ang dila ng giraffe. Pag kumain kaya yun ng damong kulay pula, magiging kulay violet kaya dila nya? Itatanong ko sa giraffe ko mamaya.
-Ang nasabing dila daw ay pwedeng humaba ng mahigit sa 40 sentimetro. Hindi kaya ito yung sinasabi nilang tiktik?
-Ang hippopotamus naman ay kayang kumain ng hanggang 40 kilo ng damo sa isang araw. Gaano kadami tae nya?
-Kahit na mas malaki ang lalaking leon kaysa sa babaeng leon, ang babaeng leon ang matyagang nanghuhuli ng hayop sa gubat. Patunay na tamad talaga ang mga lalaki.
Hanep talaga ang mga hayop na ito. Pagdating sa usapang pagkain eh siyempre, hindi papahuli ang tao.
Tomguts
Natural na mahilig sa pagkain ang tao. Masarap kumain. Ngunit siyempre, hindi perpekto angmundo dahil hindi naman ito bilog. Hindi lahat ay nag-eenjoy. May pailan-ilan paring umiiwas at sila ay ang mga taong anorexic at bulemic.
Ang anorexia nervosa ang ang malala at biglang pagbaba ng timbang dahil sa pagkatakot na maging overweight at magkaroon ng di kaaya-ayang hitsura sa paningin ng ibang tao at siyempre, sa paningin nya.
Ang mga anorexics ay sinasabing nagiging perfectionists. Sila yung mga taong nagse-set ng standards o pamantayan sa sarili na imposible namang maabot. At dahil sa huli ay hindi rin naman nila naaabot ang mga sarili nilang pamantayan, tumitingin sila sa mga bagay na makokontrol nila: pagkain at timbang.
Sa kabilang banda, ang bulimia nervosa ay ang paulit-ulit at hindi makontrol na paglalaway sa pagkain na pagkatapos matukso ay may kakabit na pagsisisi sa huli at bigla-biglang hahanap ng paraan para makabawi tulad ng labis na pag-eehersisyo at labis na pagda-diet sa pagkain. Ang mga bulemics ay paulit-ulit lang sa kanilang ginagawa kaya paulit-ulit lang ang mga pangyayari.
...
Natural na mahilig sa pagkain ang tao. Masarap kumain. Ngunit siyempre, hindi perpekto angmundo dahil hindi naman ito bilog. Hindi lahat ay nag-eenjoy. May pailan-ilan paring umiiwas at sila ay ang mga taong anorexic at bulemic.
Ang anorexia nervosa ang ang malala at biglang pagbaba ng timbang dahil sa pagkatakot na maging overweight at magkaroon ng di kaaya-ayang hitsura sa paningin ng...
...
Teka paulit-ulit na ata.
TUTULI
Ang Joke na Joke lang
Habang nakasakay ako sa van na papuntang Ttagaytay ay saglit akong napapikit, marahil ay dahil sa antok at lamig na dulot ng aircon. At pagmulat ng aking mga mata ay bigla akong napaisip... Bakit kaya ang daming taong korni magdeliver ng jokes at nagdedeliver ng korning jokes? (magkaiba yun ha!) Nga pala, ang saglit kong pagpikit ay walang kinalaman sa pagkakabuo ng topic ko ngayon. Naidlip lang talaga ako nun! Anyway, bakit nga ba at papaano nagiging korni ang isang joke? Dahil ba sa expression ng mukha ng nagsasalita habang idinideliver yung linya o dahil impluwensiya na rin ng mga kaibigang kulang na lang ay mahagisan ng granada habang nagjojoke? Hmmm...
Ang dami-dami kong koleksyon ng joke na korni... courtesy of my friends, kakilala at mga feeling ko ay kakilala ko kahit first time ko pa lang nakita. Basahin ang mga sumusunod. Warning: Bawal tumawa. Ang tumawa korni. (True stories po ito at saksi ako)
- Sa isang kainan.
Babae: Woi, friendship, unli ka? Patext!
Lalaki: Sino itetext mo? NakaSun ako eh, kakabili lang.
Babae: Hindi nga? Pano mo nabili eh ang laki ng sun?
- Sa van.
Classmate: Knock knock?
Ako: Who’s there?
Classmate: UP
Ako: UP who?
Classmate: Happy B-day to you! (kinanta 5x)
Ako: Nasaan ung UP?
Classmate: YUPEEE!!! (habang pumapalakpak at nakangiti ng todo)
- Sa isang dorm.
Arnie: Anong english sa bote?
Janno: Bottle.
Arnie: Eh ang butete?
Janno: Ano?
Arnie: Eh di BUTTLE-TLE!
Sabay: BWAHAHAHAHAHAHAHA!
Ang kokorni diba? Kulang pa yan kung tutuusin eh. Ayoko na lang magdagdag pa kasi tinatamad na ako. Hehehehe. Ang tanging masasabi ko lang, may mga taong ipinanganak na sadyang korni na at maaring mamatay na korni pa rin. Hindi sakit ang kakornihan. Hindi rin ito namamana pero nakakahawa. Ang epekto? Medyo nakakainis pero nakakatawa. Walang gamot sa kakornihan, kontrol lang. Kaya kung alam mong korni ka, mas mabuti pang wag ka na lang magsalita maghapon kung kami ang kasama mo dahil bubusugin mo lang kami sa tawa at susukahan ka lang namin ng pang-aasar at pangungupal. (Kupal- sa mga nagreact, hindi po ito ung iniisip nyo. Isa po itong paraan ng pambubully... amen.) Kaya mas mabuting maghanap ka na lang ng taong kasing korni mo at kayo yung magbonding.
Haay, inaantok na ako. Pagod ako ngayon. Marahil ay dahil sa biyahe. Eto nga at parang naririnig ko na yung guardian angel at guardian devil ko na nag-uusap...
Angel: Bakit ka malungkot?
Devil: Sabi kasi ni God, mukha daw akong pwet. (Sabay sigaw sa mukhani guardian angel) TULUNGAN MO KO!
Angel: Oo, Tutulungan kita, pero magtoothbrush ka muna. Hininga mo kasi amoy utot.
...
Ang korni no? Tulog na ako. zzzzzZZZZzz.
Totoo ito
Ito ay mga guni-guni ko tungkol sa tenga. Source? Internet.
-Ang kulay ng itlog ng manok ay depende sa kulay ng tenga ng manok.
-Ang isang karaniwang tenga ng mais ay naglalaman ng walong-daang (800)butil o kernels na nasa labing-anim (16) na hilera.
-Ang pusa ay may di-pangkaraniwang pandinig.
-Ang tenga ng pusa ay mayroong 32 laman o muscles kumpara sa tao na mayroon lang anim.
-Kapag ang isang babae sa Hawaii ay naglagay ng bulaklak sa kaliwang tenga, ibig sabihin ay taken na sya.
-Ang pinakamaliit na laman ay matatagpuan sa tenga. Tinatawag itong stapedius.
-Matatagpuan naman sa stapedius ang pinakamaliit na buto, ang stirrup.
-Sangkatlo lang ng tao sa mundo na kayang pagalawin ang kanilang tenga ang kayang pagalawin ito ng magkasunod.
-Ang tenga ang may kinalaman sa ating balanse.
Sa maniwala ka o sa hindi.... maniwala ka na lang.
Sa Piling ni Sister
Simula Grade 3, inubos koo ang buong elementary days ko at dalawang taon sa High School sa isang private catholic school sa Tiaong, Quezon (Sa amin yan!). At sa paninirahan ko ng humigit-kumulang 5 taon na kapiling ang mga madreng namamahala, gusto kong ibahagi ang ilan sa aking mga karanasan...
Sa private catholic school na pinasukan ko, required ang umattend ng Sunday Mass. Bagay na Ikinatatamad ko dahil hindi naman ako relihiyoosong tao. Inaantok ako sa loob ng simbahan lalo na kapag nagsimula ng maghomily yung pari. Kaya kapag sumisimba ako, mas trip ko pang makipagkwentuhan sa labas sa mga magtitinda ng fishball at mga ibong kulay rainbow. Kung hindi nga lang kami binigyan ng masscard (Ang masscard ay isang kapirasong karton na kailangang papirmahan sa pari pagkatapos ng misa.). At kailangang ipakita ang nasabing karton sa teacher ng subject na Christian Living sa lunes kinabukasan kung ayaw mong magsulat sa limang intermediate pad ng “ I will attend the mass every Sunday!” Back to back. Isa pa, lagi kaming pinapasulat ng reflection paper tungkol sa gospel at madalas akong magpasa ng papel na puro guni-guni ko lang ang nakasulat.
Kung sa lingguhang misa ay nakakahanap pa ako ng butas para magkulong sa bahay namin (Tatay ko ang pinapapirma ko sa masscard habang sa isang Sunday Family TV mass na lang ako nagtityaga.), Sa First Friday Mass (tuwing 1st Friday ng buwan siyempre!) eh wala akong kawala. Misa sa umaga, klase pagkatapos. At para hindi mainip eh nakikipagdaldalan ako sa aking mga katabi. “ALL OF YOU! GO TO MY OFFICE AFTER THE MASS!”, yan ang napakalutong na boses ng aming Prefect of Discipline isang beses na nahuli nya kaming nagpaparamihan sa nakikitang ibon na lumilipad sa lob ng simbahan, bagay na hindi ginagawa ng normal na estudyante. Doon sa office nya, katakut-takot na sermon ang inabot namin na sinabayan ng sunud-sunod na kulog at matatalim na kidlat na nagpabuka sa lupa at nahulog kaming lahat. Nakita ko na lang ang sarili ko na nawawalis ng school ground, kasama yung iba.
Isa pang ayoko sa school ko noon ay ang weekly Novena. Tuwing miyerkules naman yun bago magsimula ang klase. Tsaka ang Rosary na kasama sa ritwal ng Flag Ceremony araw-araw. Masakit din sa tenga ang Angelus (dasal tuwing 12 ng tanghali) at ang 3 O’ clock habit (dasal tuwing 3 ng hapon). Swerte mo kapag nasa harap ka na ng gate kapag dinasal ang mga ito at kapag walang regla ang school guard.
Pero infairness, lahat ng yan ay nasaulo ko at proud ako lalo na at naiintindihan ko na ngayon.
Seremonya
Tutal eh nabanggit na rin ang salitang sermon, mabuti pa eh magtakip ka na ng tenga at sisimulan na natin ang sermunan.
Kung sa school eh nasesermunan ako ng teacher dahil sa kaingayan ko sa klase, sa bahay ay mas madalas akong masermunan dahil sa aking pagbibingi-bingihan. Oo, madalas kong gawin yun para makaiwas sa utos ng magulang. Ang technique na to ay napabisa lalo na kapag may nakababata kang kapatid na sasalo sa utos nila. Pero sa kasamaang-palad, hindi ko maperfect ang technique na ito kaya sa bandang huli puro sermona ang pumapasok sa tenga ko- talo rin ako.
Ito ang mga bagay na madalas kong ginagawa:
1.Kapag alam kong uutusan ako, nagtutulug-tulugan ako nasaan man ako at kahit ano pa ang ginagawa ko. Example: naglalakad.
2.Kapag uutusan ako, pinipilit kong matae at sasabihing kailangan ko na yung ilabas.
3.Habang inuutusan ako, nilalakasan ko yung volume ng TV para hindi k sila marinig.
4.Sakali namang brown-out, naglalagay ako ng earphones kahit na wala namang nakakonektang music player dito at nagkukuwanring nagsasoundtrip.
5.Ginagawa kong excuse ang pag-aaral kahit na obvious na cellphone ang hawak ko.
6.Naglalagay ako ng bulak sa tenga sakali mang pagalitan ak dahil pumalpak ako sa limang paraang una kong binanggit.
7.Naglalagay ako ng tinupi-tuping dyaryo sa pwetan ko sakali mang naging successful yung ikaanim kng paraan.
8.Sisinturunin ako at sa huli ay susunod din ako sa utos.
...
MUTA
Ang Alamat ng TITI
Ooops! Hindi bastos itong isinulat ko. Nag-iisip kasi ako. Naisip ko lang, ano nga ba ang mga salitang madaling makakuha ng atensyon ng isang tao, lalo na sa isang mambabasang tulad mo.
Kung iisipin mo, bakit mas madali at mas interesanteng makita at mabasa ang mga salitang ganon? Dahil nga ba open-minded na tayo sa mga makamundong bagay o dahil kahit papaano ay tinatawag tayo ng ating mga laman. Isipin mo na lang ang pangkaraniwang laman ng mga pangkaraniwang tabloid. Ano mas nakakakuha ng atensyon? Ung “wholesome” na tinatawag o yung hindi? Hmmm… magbibigay ako ng halimbawa. Halimbawang nakita mo sa isang front page ng tabloid ang mga titles na “Dolyar, ni rape ni Piso”, “Magtitinda ng samalamig, namatay sa uhaw”, “Ekonomiya”, “Pangulo at mga Senador”, “LPG, krudo atbp”, ipapagpalit at uunhin mo ba yan kapag itinabi mo sa mga nabanggit na titulo kanina ang mga sumusunod: “Suroy and the flying pekpek Episode 69”, “Pussyman Begins”, ”Pussyman Returns”,“Pussyman Returns”, “Pussyman Forever” at “Pussyman and Robin”? (sorry po sa mga foul terms). For sure, mas mauuna yan kaysa sa mga isyung di mo naman maintindihan at wala ka namang pakialam.
Yan. Yan ang kalimitang ugali at pag-iisip ng tao, lalo na ang mga kabataan ngayon.
Wala naman akong gustong sabihin. Ayokong mangaral. Wala lang. Naisip ko lang basta.
O sige, hulaan mo nga ‘to: Ano itong matigas at mahabang bagay ang hawak ko ngayon at enjoy na enjoy kong nilalaru-laro?
MAKE A SIGN OF THE CROSS (3X).
SsssHhhhh
Habang tahimik akong nagsusulat dito sa veranda ng aming bahay at maingay akong ginugulo ng ng kapatid kong bunso, naririnig ko ang maingay naming kapitbahay. Kung tama nga ang naririnig ko, may nakita raw dalawang ahas sa loob ng bahay. Hanep, at cobra pa raw!
At dahil tuluyan na akong naistorbo, eh pansamantala muna akong tumigil para makiusyoso. Sa kasamaang palad, hindi napatay ang mga ahas, nakapagtago na sa sulok ng bahay. Ang nakakainis lang, nagtaka pa yung maybahay kung bakit sila inahas, eh kung makikita mo naman yung bahay nila ay para kang sasalubungin ng isang leon habang sinasabing “Welcome to the jungle!”.
Alam mo ba yung “Kamandag”? Palabas yun sa Channel 7 (kapuso) na pinagbibidahan ni Richard Gutierez. Hango un sa kwentong nilikha ng isang batikang manunulat. Ang kwento ay umiikot sa isang taong galing sa lahi ng kalahating tao at kalahating hayop. Nagiging taong-ahas ang bida at ipinagtatanggol ang mga naaapi... SUPERHERO ika nga.
Nakakita ka na ba ng totoong ahas? Ako, maraming beses na. Sa gubat sa amin noong naninirador kami ng ibon ng pinsan ko, sa gilid ng bahay namin na kung saan ay nakikipaglaban sa alaga naming pusa, sa zoo at sa ibat-ibang palabas sa TV.
Nakakita ka na ba ng totoong taong-ahas? Ako, maraming beses na rin. Superhero sila sa panahon ng kampanya at nanlilingkis sila at nanunuklaw kapag nakaupo na sa pwesto, at alam nila kung paano magpapalit ng balat. Anak ng lungga! Sana lang, marami ang mga taong-pusa na pwedeng kumain sa mga taong-ahas na yun.
Dagdag ko lang, ahas nga pla ang dahilan kung bakit may orihinal na kasalanan ang tao.
Batung-bato na ako... tinatamad. Pasensya na sa mga butiki, tuko, bayawak, buwaya at sa lahat ng reptiles sa mundo kung yung kamag-anak nyo lang yung nabigyan ng exposure. Sa lahat naman ng kalahating tao-kalahating reptile, “Meow, meow, meowrr, MEOWRRR!”.
Inip
Habang nakatambay ako dito sa stairs ng isang mall sa Laguna at hinihintay ang pagdating ng aking ama (1 p.m. pa ako dito at 2 p.m. kami magkikita ngunit 4 p.m. pa ata dadating... whew) ay isa-isa kong napagmasdan ang ibat-ibang klase ng tao: bata (may malinis at may madungis), Binata (may girlfriend at wala), dalaga (may boyfriend at wala), may asawa (pwede ding no. 2 na yun), may anak, matatanda (may tungkod at wala), bading, tomboy... ang dami eh! Basta sila yun! At mula sa obserbasyon ko ay nalaman ko na ibat-iba nga ang buhay ng tao- lifestyle ika nga.
“PORMA”. Yan ang pinakanapansin ko sa mga dumadaan. Ibat-ibang porma meron ang tao. May magagaling pumorma (siguro mayayaman, at sabi ng housemate ko, pwedeng social climber lang), may mga simple lang (tulad ko ngayon), at may mga walang porma (ang best examples ay mga taong grasa at streetchildren). Mayroon ding mga hindi maipaliwanag. Yung tipong kahit anong porma at ganda ng damit ay hindi talaga bagay sa mukha. Mukha pa ring hindi mapatae kahit na nakalong-sleeves with matching coat and tie, black slacks pants and super kintab na leather shoes. May nakita nga akong binata sa amin. Bestman daw sa kasal ng pinsan nya na pinsan ko rin pero hindi kami magpinsan. Naka gel, hindi naman panget, pero hindi naman gwapo (tama lang). Nakabarong. Astig ang pants. Bagay na bagay! Pero anak ng taho! NAKATSINELAS?? Madumi pa yung mga kuko sa paa.
Hindi sa mapangmata ako, pero mapangmata talaga ako. Joke!! Hindi ko sinasabi na fashionista ako. Kahit ako, hindi kayang magdala ng sarili. Sa mga tinamaan, paumanhin po. Opinyon ko lang po ito.
Naisip ko lang, dapat pala eh may alam ka rin kahit konti sa pagdadala ng sarili. Yung alam mo kung ano yung bagay. Wala yun sa ganda ng damit. Yun ay kung paano mo ito dadalhin sa harap ng iba. Kahit anong ayos, basta mukha kang tao. Ang importante, disente kang tignan. Yan ang totoong meaning ng porma.
Alas singko na, wala pa ang aking ama... haay, sarap ng panaginip ko... about “lifestyle” daw... (hikab)
Pikit
Marami na ang nakapagtanong kung half Chinese-half Filipino daw ako. May ilan pang nagsabing half Japanese-half Filipino. At meron ding tsismis na half Korean-half Filipino ngunit hanga ako dahil mas marami ang nakapunang half German-half Shepherd ang inyong lingkod. BOW, Wow, wow!
Kahit na alam kong isa na namang pagkakamali ang magkwento tungkol sa sarili ko eh lulubus-lubusin ko na ang exposure.
Singkit ako. Sa mga nakakakilala sa akin, kahit pagbali-baligtarin nyo pa po ang mundo, singkit ako. Sa mga hindi pa, maniwala na lang po kayo. Hehehehe.
Dahil sa pagiging singkit, marami na ang nagsabing cute ako (patawad po sa kayabangan). Napakarami na ring beses na ginawang subject ang kasingkitan ko sa pangungulit sa akin. Pikit daw kasi ako kapag tumatawa. Wala daw akong mata. At alien daw ako.
May nakapagsabi na rin sa akin na ang mga singkit daw ay mas maliit ang lugar na nakikita kumpara sa may mga normal na laki ng mata. Medyo naniniwala ako na medyo rin hindi. Hindi pa kasi ako nakukumbinse at gusto ko munang iresearch ang tungkol doon.
Maraming advantages ang pagiging singkit. Sa klase, hindi halata kung matulg ka man ng mahimbing, basta ba wag kang maghihilik. Pwede kang mangopya sa iyong katabi kung oras ng pagsusulit na hindi mahuhuli ng guro. Bihira ring magkaroon ng eye bags ang mga singkit kahit na talamak na ang pagpupuyat. Hindi halatang bagong gising ka kapag pumasok ka ng di naliligo sa klase kasi late ka na, mag-ayos ka lang ng buhok. At higit sa lahat, pwede kang mamboso ng walang tigil at tignan ang lahat ng gusto mong tignan ng hindi ka nahahalata. Mas maliit na mata, mas maliit na kasalanan. Daw.
Isa lang ang alam kong disadvantage nito. Hindi mo nakikita ng lubos ang nangyayari sa mundo. Daw.
Inaantok na ako. Kailangan ko ng matulog ngunit hindi ko na kailangang pumikit.
Linawin kolang pala, purong Filipino po ako.
...
Bow wow wow!
Sulat
Dahil puro text messaging, chat at electronic mails na ang uso ngayon, ang diwa ng liham ay unti-unti nang pumanaw. Teknolohiya nga naman.
Mahilig ako noon na gumawa ng love letters. Masarap kayang magbasa ng liham. Inaamin ko,baduy kung titingnan. At kahit balibaligtarin mo ang mundo, baduy pa rin... sa panahon ngayon. Iba ang panahon ko...
...
Ngayon din pala.
Narito ang mga halimbawa ng mga liham na nahugot ko sa aking panahon:
Galing to sa isang umikot na e-mail noon.
Anak,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamoako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE", wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa "Federal Express" medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love,
Papa
p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha.
Heto pa ang isa. Galing naman ito sa Kwentongtambay.com (Mga kwento ng isang siraulong overseas filipino worker):
dear unkyel batjay,
bakit po ba “miss universe” ang tawag doon sa sikat na beauty contest eh puro naman mga taga earth ang mga contestant nito? di po ba false advertising ito.
nagmamahal,
gentle reader
...
Susulatan na lang kita. Ibigay mo lang address mo. TXTBCK.
DUGO
Pag-ibig, Pag-ibig...Pag-ibig
Ika-13 ng Pebrero.
“You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can’t compare you with anything in this world. You’re all I need to be with...” Ooops! Ayoko nang ituloy, baka kasi kinakanta mo na.
Bilis ng araw. “Love Month” na pala. Birthday na bukas ni St. Valentine. Wala pa akong plano. Ikaw? Kaya ngayon ay bagot na bagot ako habang nakikinig sa mga kanta ng bandang Side A at nag-iisip kung kaya ko pa bang magsulat ng mga bagay na namamasyal sa utak ko ngayon.
Ika-5 ng Setyembre (7 months later).
Matanong ko lang, ano ba ang meron sa Valentine’s Day na wala sa ibang araw? Wala naman diba? Siguro nakaugalian na lang natin na maging ganoon tuwing Pebrero. Ininterview ko nga ang aking romantic na anino kanina at ito ang kanyang mga sinabi:
(PALAKPAK MUNA DAPAT)
“Love month na, anu naman? Bwahahaha! Joke. Sige, Let me start speaking seriously now. Bakit nga ba napakaespesyal ng buwan ng Pebrero? Bakit ang ibang buwan eh hindi ganun? Magiging direct to the point na ako ha. Kaanu-ano ba natin si St. Valentine? Pinsan? Kamag-anak? Tatay? Nanay? Kapatid? Lolo? Lola? Kaaway? Kapamilya? Kapuso? Kabarkada? Kaiba? Hindi ko talaga alam kung sino siya at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang kasi, walang pinipiling espesyal na araw ang pagmamahal. Anumang araw, oras o panahon eh pwede kang magmahal. Yes, I do believe in what they call “love”.
Andyan na lahat. Saya, lungkot, problema, ngiti, luha... gastos. Oo, masarap magmahal lalo na kung mahal ka rin pero masakit ding mawalan ng minamahal. Iiyak ka, mababaliw, magbibigti, maglalaslas ng pulso, tatalon sa building at magpapanggap na patay ka na.
Kahit naman papaano eh masasabi kong may karanasan na rin ako. Nagmahal ako. Minahal ako. Nasaktan ako. Umiyak ako. Sumaya ako. Nalaman ko kung sino ako. Napakadami ko ring natutunan at yun ang mga bagay na hindi ko pinagsisisihan.
Para sa akin, hindi nawawala ang pagmamahal ng isang tao sa dati na nyang minahal. Pero ito ay maaring matakpan ng panibago at mas nakakahigit na paggmamahal na natagpuan sa ibang taokaya naman ay mas maraming bagay ang kailangang unahin kaysa sa pagmamahal- Priority ika nga.”
(Yan ang speech ng anino ko. PALAKPAK ULIT!)
Hay naku! Buti na lang at natapos ko itong sinusulat ko after 7 months. Ngayon ko lang kasi nakausap ng matino ang anino ko. Ilang buwan ding tahimik eh. Di ko alam kung bakit.
...
Haaay, puso na yan! NAPAKADAMING PRIORITIES!
Estupidyante
Putek! Bagsak na naman ako sa isang exam! Ang hirap-hirap talagang mag-aral. Nakakasawa... nakakainip. Kung pwede lang sana eh tumigil na lang at magtulak na lang ng kariton habang sumisigaw ng “Bote! Dyaryo! Shabu!”.
Pero naisip ko, sa totoo lang eh masarap din namang mag-aral. Nandyan ang mga tunay na kaibigan, mga kaibigan pag may kailangan at mga kaibigang pagtalikod mo eh pagtatawanan ka dahil napansin nila na marami kang kulangt sa ilong. YUCKK! Nandiyan din ang gimik, ang alak at ang yosi kung may bisyo ka. Nandiyan din sina crushes at si “My one and only, namely _____, _____, _____, blah blah blah.” Joke lang, corny no? Hehehehe.
Masarap mag-aral. Depende sa dahilan. Masarap mag-aral kapag malaki ang allowance. Masarap mag-aral pag gwapo o maganda kaya sikat at hinahangaan ng marami sa school. Masarap mag-aral pag may inspirasyon (Ayiiiii!). At ang pinakakorni sa lahat para sa akin- Masarap mag-aral pag matalino ka.
Isang napakalaking factor ang mood ng isang tao in terms of his or her academic life. Siyempre, pag good mood, masigla, alive na alive, ganado kahit boring magturo yung teacher. Pag bad mood naman, nakakatamad, nakakaantok, nakakasawa, nakakapagod... LAHAT NA NG MGA NAKAKA-! Siyet.
Bakit nga ba nagiging bad mood ang isang mag-aaral lalo na pagdating sa usaping “pag-aaral”? Una, pag bumagsak ka sa isang subject taps humaba na yung buhok mo sa ilong at kilikili eh hindi mo pa rin maipasa-pasa yung subject at makailang-henerasyon mo na itong paulit-ulit na kinukuha (Grabe no? Pero may mga ganyan talagang kaso. May kilala ako.). Siyempre pag ganun, nakakatamad na. Siguro, maiisip mo na kung namalimos ka na lang dati sa kalye eh mayaman ka na ngayon. Pangalawa, nasa teacher din naman minsan ang problema. Merong tipong kahit mag-aral ka 24 hours eh hindi ka pa rin papasa dahil wala sa coverage ng topics yung mga tanong sa exam. Meron din yung tipong may kapangyarihang pabagalin at pahintuin ang oras sa klase na feeling mo eh overtime na yung teacher pero feeling nya eh 5 minutes pa lang yung lumilipas. Meron ding hindi mo gusto yung style ng pagtuturo- boring. Mern ding mahilig magbigay ng mga jokes na si Adan at Eba lang yung makakagets. Ang best example dito ay yung mga teachers na kasing tanda ng ugat ng puno na matandang mangga sa amin. Sabi ng lolo ko, tanim pa daw yun ng mga ninuno nya.
Matatapos na naman ang araw ko kasi magsisimula na naman ang klase ko. Ayoko na munang magsulat ng mga walang kwentang bagay at makikinig muna ako sa teacher ko.
...
Pero infairness, masaya ang klase ko ngayon. Hahahahaha!
Guni-Guni?
Saan ba nagsimula ang lahat?
Elementary ako nang madiskubre kong may chemistry pala kami ng ballpen ko. Sabi ng classmates ko, may talent daw ako sa pagdodrowing. At mula noon ay lumaki na ang ulo ko ngunit hindi ko iyon ipinagyabang. Idinaan ko iyon sapaggawa ng komiks. Sa isang ordinaryong notebook ako nagtiyaga. Ang laman? Puro labanan (inspirasyon ko ang Dragon Ball Z noon). Siyempre sa kwento, bida kami ng mga kaibigan ko noon.
Panaginip?
Itinuloy ko ang paggawa ng komiks nung tumuntong ako ng highschool. Ganun pa rin, parehong istilo. Labanan. Kami pa rin ang bida. At dahil pare-pareho kaming isip-bata noong panahong iyon, aliw na aliw ako sa pagguhit at aliw na aliw sila sa pagbabasa. Tumigil lang ako pagkatapos ng 2nd year sa kadahilanang nagtransfer ako sa ibang paaralan. Sa kabuuan ng pag-aalay ko ng sarili sa mundo ng ballpen at notebook, nakaipon ako ng humigit-kumulang 50 notebook na puro drawing at hindi mabilang na ballpen na wala ng tinta. Pero sa kasamaang palad ay kasama itong sinunog noong nag-ayos kami at nagtapon ng mga lumang gamit.
Pangarap?
Alam ko sa sarili ko na hahawak pa rin ako ng ballpen kahit na anong mangyari. 3rd year ako noon sa high school nung lumipat ako sa isang pampublikong paaralan sa Batangas. Sa tulong ng mga itinuring kong malalapit na kaibigan doon ay nakapiling ko ulit ang pinakaaasam kong ballpen at papel. Balik sa dati kong libangan. Balik sa paggawa ng komiks. Pero hindi na ako nag-iisa. Dalawa na kami.
Dahil noon ay medyo nagbinata na ako at tinamaan na ng kung anu-anong kalokohan, nagbago na ang atmosphere. Napunta na ako sa comedy. Aliw na aliw ang mga kaklase namin. Hindi na rin mga sarili namin ang bida kundi yung isang kaklase naming payatot na laging pinagtitripan. Nakakarelate ang lahat. Noon ay naisip ko na ang tungkol sa pagpapublish ng libro ngunit madali ring nawala sa isip ko sa kadahilanang hindi ko alam kung papaano yun ginagawa.
Tumigil kami sa pagdodrawing sa kalagitnaan ng 4th year at yun ang naging simula ng isang panibagong career. Doon ako unang nagsulat ng mga kakatwang bagay. Para yun sa babaeng una kong niligawan. Dahil medyo old-fashioned ako at mas malaki pa sa katawan ko ang itinatago kong hiya, dinaan ko ang panliligaw sa marathon ng love letters. At kahit puro pambobola lang ang laman ng mga sulat na yon eh hindi naman ako nabigo. At dahil siya ang una kong inspirasyon, nagkaroon ako ng kapangyarihang makapagsulat ng ibat-ibang kwento. Ang problema, puro malungkot ang tema, kabaligtaran ng nararamdaman ko noon. Hindi masyadong nagustuhan ng mga kaklase at kung pumatok man, saglit lang siguro.
Dahil doon, naisip kong mas maganda kung kwela ang mga susulatin ko. At muli sa tulong ng aking mga kaibigan, naisalin namin sa tagalog ang kantang “Can’t Cry Hard Enough”.
Hindi Ako Makaiyak ng Matigas
Ako’y mabubuhay
Na para bang ito’y huli na
Walang simpleng paalam
Lumilipas ng kaybilis
At ngayong wala ka na
Hindi ako makaiyak ng matigas
Hinding-hindi ako makaiyak ng matigas
Para marinig mo ako ngayon
Bubuksan ang mata
At makita ka sa una
Pawawalan kita gaya ng
Pagpapakawala ng bata sa saranggola
Chorus
Doon pupunta sa taas ng langit
Doon pupunta sa likod ng ulap
Walang dahilan
Hindi ako makaiyak ng matigas
Hinding-hindi ako makaiyak ng matigas
Para marinig mo ako ngayon
Titingin pabalik sa litid
At makita kang nakatayo doon
At ang tanging natitira
Ay isang bakanteng silya
At tuluyan na akong naitali sa lahi ng mga tinta. Naging scriptwriter din ako sa mga play sa klase. At bago matapos ang 4th year, naging editorial cartoonist ako at feature writer ng aming school paper. Doon ko naisip na poosibleng may matupad na pangarap, dahan dahan nga lang... hindi biglaan.
Dagdag ko pala, ang nasabing mga komiks? Marami ang hiniram at hindi na naibalik pagkatapos naming gumaraduate. Isang kwento lang ang naisalba ko.
Realidad?
Freshman ako sa college nang simulan kong buuin ang mga kwentong napapaloob sa librong ito. Mga kwentong tungkol sa ating mga organong pandama. Mga kwento tungkol sa sarili nating sistema. Mga kwento mo na kwento ko rin. Saan nagmula ang ideya? Sa pamagat ng libro, mapapansing nakasulat sa bandang ilalim nito ang mismong sagot: Mga kwentong sumingaw lang sa butas ng aking utak. Sa madaling salita, nag-isip lang ako ng kung anu-ano. Ngunit ang yung mga kung anu-anong yun ay nag-ugat sa dalawang seryosong tanong:
1.Ano ang tao?
2.Anong parte ng tao ang pinakamakasalanan?
Wala lang naisip ko lang ang dalawang tanong na yan noong pagkatapos kong sumimba at naisipan kong magmuni-muni.
Balik tayo sa kwento. Tulad ng nakagawian, sa isang notebook ko sinumulan ang lahat. Bukod doon, sinadya kong gawing medyo kwela ang lahat para sa kapakanan ng mga kabataang tulad ko at medyo seryoso ng kaunti para sa kapakanan ng mas matanda sa akin. Ang pagkakagamit naman ng mararahas na salita ay inaamin kong intensyonal sapagkat ito ay para sa kapakanan ng mga bagong-silang na sanggol. Ito po ay aking mga expression sa tuwing ako ay may topak... palagi. Naglalabas lang din po ako ng sama ng loob paminsan-minsan. Kaya sa mga na-offend ko po, humihingi po ako ng malaking malaking pasensya. Abno po talaga ako.
...
Outgoing 3rd year college na ako ngayon. Sa loob ng halos 2 taon ay masasabi ko naman na marami ring natuwa sa sinulat kong ito. Kahit naman sino eh gustong maging maganda ang sarili nyang libro, lalo na kung iyon ang una nya. Hindi ko po pinipilit na gustuhin nyo ito o gustuhin nyo ako. Kayo na po ang bahalang humusga.
...
Gusto ko lang agawin ang konting espasyong ito para magpasalamat. Dahil HINDI ko po ito magagawa kung wala sila... kayo. Unang-una, sa KANYA na nagbigay sa akin ng lakas ng isipan at katawan para magawa ko ito, sa pinakamamahal kong pamilya na humubog sa kaisipan kong baluktot, sa mga housemates ko na sina Dennis Mag-alasin na nagpahiram ng laptop nya para pagtype-an ko ng manuscript, at kina Jr Go at Dar Prudencio na walang sawang nagse-share ng mga kalokohan nila sa buhay. Sa lahat ng mga kakilala ko at mga malalapit na kaibigan mula pa noong 300 BC, salamat. Napakadami nyong gumulo sa buhay ko, kaya hindi ko na kayo iisaisahin. Sa internet at mga web site na pinagkuhanan ko ng karagdagang imprmasyon, sa mga librong nabasa ko na nagbigay ng dagdag kaalaman at sa mga taong sumulat ng mga librong yun. Sa magiging kakilala at kaibigan ko pa, salamat rin po. At sa iyo, (alam mo na kung sino ka..) salamat... salamat.
(ACKNOWLEDGMENTS ARE SUCCESSFULLY INSERTED!)
Sa pagkakabuo nito, isa lang ang masasabi ko. Hindi madali ang mangarap kahit na sinasabing libre lang ito. Ngunit hindi rin naman imposible na makamit mo ito. Kailangan lang magtiyaga at iwasang madaliin ang lahat. Mas maganda ang kakalabasan sa huli kung may dugong titigas sa tenga mo, may dugong tutulo sa ilong mo, luluha ka ng duga, susuka ka ng dugo, at magpapawis ka ng dugo. Gamitin ang utak, mata, ilong, bibig at tenga sa mga kapakipakinabang na bagay na hindi lamang sarili ang makikinabang. Higit sa lahat, wag kalimutang lagyan ito ng pusong may konsensya.
...
OMEGA.
...
Hindi rin nagtagal ang labanan nila. Lahat laban sa isa. Unfair. Napasailalim si Puso sa kapangyarihan ni Utak. Nagbago ang kulay nya. Unti- unting naging itim si Puso na parang eksena sa Spiderman 3. Ngunit bago pa sya tuluyang mawalan ng kontrol, iniluha nya ang isang pag-asa- si Konsensya. Gaya ng mga pelikulang aksyon ng Pinoy, nakapagkwento pa ito ng mga kwentong kinuwento ko dito. Pinagbilinan nya ito na magtago na lang at lumabas sa tamang oras- kapag kinakailangan.
Pagkatapos noon ay tuloy sa pag-ikot ang buhay ng lahat. Naging masama sila at nabalot ng dilim ang lupa. Naghari-harian si Utak. Sumuporta si Pusong-itim. Naging adik na ng tuluyan sina Ilong at Bibig. Tinubuan na ng maraming kuliti si Mata dahil sa talamak na pamboboso. Naging pinakapusakal na magnanakaw si Kamay. At si Tenga ay patuloy na nakikinig sa mga tunog na hindi katanggap-tanggap sa lipunan.
Nasaan si Konsensya?
Kapatid, hindi pa huli ang lahat.
Siey’s Page
Ako po ay kasalukuyang 4th year college na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas- Los Baños, Laguna at umaasang makakagraduate on time.
Sa San Pablo City, Laguna ako ipinanganak at lumaki ngunit sa Tiaong, Quezon ako nakatira pero pwede rin sa Sto. Tomas, Batangas at sa Cainta, Rizal kahit na wala kaming bahay doon. Pangarap kong tumira sa Mars pagkatapos kong pumasa sa Board Exam para makapag-asawa. Ito ang planeta kung saan talaga ako nanggaling.
2 bagay lang ang hilig kong gawin sa buhay: Magdrowing ng kung anu-ano at magsulat ng kung anu-ano...
...
at kumanta...
at magkompyuter...
at matulog
...
at magsinungaling.
...
Totoo po lahat ng kwento ko dito.
