Tuldok, Kuwit, Tapiko at Takupe
sieylantay
Sa Mga Kakilala…
At Makikilala pa…
Sa Kabarkada…
Sa Mga Kasama…
Sa Pamilya ko…
Sa Iyo…
At Sa Akin.
<><><><><><><><><>
1
“Pabili nga pong Funny Komiks!”, sigaw ng isang patpating binata sa harap ng tindahan sa Kanto Dyes.
Isang maaliwalas na Sabado ng umaga, gulu-gulo ang buhok dahil kakagaling lang sa higaan at hindi man lang nagawang maghilamos at magmumog, ni magkusot man lang ng muta.
“Wala boy, panahon pa ni Kopong-kopong yang komiks na hinahanap mo. Mga komiks na sa kompyuteran ang binabasa ng mga kaedad mo ngayon.”, sambit ng matabang tinderang si Aleng Melissa.
“Bold yun, kita ko si Daren kahapon, bold yung tinitingnan sa kompyuteran.” “Whatever!”, sagot ng supladang tindera, sabay lagay ng kamay sa noo sa anyong letrang “L”.
“Hoy Aleng Baboy, “Loser” ibig sabihin nyan!”, sabay takbo ang binata na parang musmos na nang-agaw ng kendi.
“Putragis kang bata ka! Sinong Batsoy? Mutain ka naman! Bleh!”, bawi ni Aleng Melissa na para namang kaedad ang kausap kahit na 30 taon ang agwat ng edad nila.
“Bingi! Baboy ang sabi ko, hindi batsoy.”, sagot ng binata habang patakbong nilalapitan ang isang kaibigan na mag-isang nakatambay sa basketball court.
Miguel Niccolo Dimagiba, 17, 2nd Year sa High School, nag-iisang anak ng kapitan sa Brgy. Tamisian, pinakamalaki ang bahay sa Kanto Dyes. “Micollo” sa kanilang bahay, “Migs” sa kompyuteran at kaibigan, “Picollo” sa asaran at “Demonyito” sa mga techers. Payat ang pangangatawan pero matangkad. Singkit at matangos ang ilong pero hindi sapat ang utak para imental ang 209876 x 0. Nakagraduate siya ng Elementary dahil sa pagtatanim nya ng kamote at rambutan sa likod ng paaralan bilang pakunswelo sa mga grades na di aakalaing may ganoong grades. Madalas na absent sa klase dahil sa malalapit na kompyuteran sa labas ng paaralan. Madalas ding wala sa bahay dahil sa dahilang pumapasok sya sa eskwela. Mabilis tumakbo sa tuwing magkakaroon ng raid ang mga teacher sa mga lugar na madalas nyang tinatambayan at mabagal magsulat at magbasa sa mga oras na umaattend siya ng klase. Nangungunang bosero sa banyo ng silid-aralan ngunit nahuhuling umamin kapag nagkabistuhan. Mabait na anak sa bahay at malakas sumipsip sa magulang para makahingi ng extrang allowance. Ngunit mahaba ang sungay pag nawala na sa bakuran ng bahay.
“Daren!”, sigaw ni Migs.
“Oi Tangengot! Psst! Hoy!”.
“Huh? Ako ba kinakausap mo?”,sagot ng kausap.
“Oo! Tanga ka ba, eh tayo lang ang tao dito?”.
”Tanga ka pala eh. Bakit kailangan mo pang sumigaw eh magkatabi lang tayo. Tsaka bakit mo pa ako kailangang tawagin eh pwede namang kalabitin mo na lang ako.”
“Oo nga ano.”, sabay kamot sa ulo. “Pero bobo ka pa rin, kita mong nangungulangot ako tapos kakalabitin kita, di nalagyan pa kita nito”, sabay alis ni Migs ang hintuturo sa ilong at ipinakita ang maberde-berde nitong kulangot kay Daren. ”Tsaka alam kong hindi ka naglilinis ng tenga mo kaya sinigawan kita para sure na marinig mo. O apir na!”, dagdag pa nito para magpalusot.
“Apir!”, at nakipag-apir nga si Daren sabay biglang napamura dahil nalipat sa kamay nya ang kulangot ni Migs.
Reyjohn Anton Og. 17. Medyo mataba ngunit maputi. Kapitbahay, kababata ni Migs at kaklase sa lahat ng panahon, kasama na ang mga taong bumagsak at nag-ulit ng ilang grado sa elementarya. At higit sa lahat ay best of friends silang dalawa. Hindi nag-iiwanan maging sa mga oras ng kalokohan at mga trip na di inaasahan. Magkasama sa hirap at ginhawa, sa lahat ng parusa. Hindi naglalamangan lalo na sa kaalaman. Ang utak ng isa, utak din ng isa, maliban sa maganda itong magsulat. Marunong maghilamos pero hindi marunong maglinis ng tenga. Ang magaling na tagapeke ng pirma ni Migs. At ang mastermind sa pag-eedit ng grades ni Migs sa report card bago ipakita sa magulang. Madalas na nilolokong “Ba Og” sa klase. Hindi sya Intsik dahil sa apelyido nya. At hindi rin nya alam kung bakit Daren ang palayaw nya.
“Huy, parang natigilan ka. May sinasabi ako sayo.”, inulit ni Migs ang tawag sa kaibigan. ”
Tangeks, kita mong pinapahid ko itong kulangot na inilagay mo. Tae ka, malapot kaya mahirap alisin. Tsaka ano ba yun?”.
Natigilan ng kaunti si Migs. Parang nagwarp sa ibang mundo ng mga dalawang segundo, kumamot ng ulo bago ulit nakapagsalita, “Ayan nakalimutan ko na, ikaw kasi eh! Ang tagal mo akong pansinin.”
“Aba kasalanan ko pa ngayon? Yan kasing utak mo, parang pwet ng baby.”, depensa ni Daren.
“Dahil cute? Dahil ba cute?”.
“Tanga, puro tae kasi ang laman. Hahahaha!”, resbak ni Daren sa kausap sabay alis papuntang tindahan ng tinapay para kumain ng tanghalian.
Napahimas ng baba si Migs, “Naalala ko na! Naalala ko na Daren!”.
“Utot mo. Kumain ka na lang ng tinapay, ipalaman mo ang kulangot mo ng bumalik ang ala-ala mo.”, sabi ni Daren.
Dumukot si Migs sa kanyang ilong. “O Bestfriend, hati tayo. Hahaha. Kulay dilaw, mukhang mangga.”
“Mamatay ka na. Abnormal ka talaga.”, nakangiting inaalis ni Daren ang kulangot na ipinahid ni Migs sa kanyang tinapay.
“Alam mo na ba yung balita?”, seryosong tanong ni Migs.
“Alin, yung negrang pinilahan ng apat na adik sa kabilang Baranggay? O yung kaklase nating si Michael na tumae sa kubeta ng klasrum tapos hindi binuhusan?”, natatawang sambit ni Daren.
“Tangengot, hindi yun. Yung tungkol sa balitang me UFO daw na magpapakita sa may bakanteng lote bukas ng gabi. Nabalita daw sa Channel 3 kaninang umaga.”, nasa mukha ni Migs ang halong pagkamangha at pagkalito.
“Sus, magpapaniwala ka sa mga nagsabi sayo. Hindi totoo yun! Wala namang kuhang palabas sa Channel 3.”
“Baka dahil sa UFO?”, nanatiling seryoso si Migs.
“Magpakamatay ka na lang. Abnormal ka. Sabi sa libro natin ng PEHM, di totoo ang Alien. Sya, mongoloid, uuwi na ako. Natatae na ako kanina pa.”, at iniwan na ni Daren ang kaibigan na litung-lito at naguguluhan.
“PEHM ba? Akala ko sa GMRC…”, bulong nya sa sarili.
2
“Pabili! Pabili! Pabili nga pong Funny Komiks!, hoy Aleng Marissa, pabiling Funny Komiks!”, kinabukasang napadaan na naman si Migs sa tindahan na noon eh dalawang araw ng hindi naliligo dahil giniginaw sa tubig.
“Tinamaan ka ng lintik kang pang-abala ka. Kita mong nanonood ako ng telebisyon. Paulit-ulit na akong nagsasabing wala nga yung komiks na hinahanap mo. Isa pang magtanong ka nun. Lalagyan ko ng isteypler yang bibig mo. Bwisit ka. Tsaka hindi Marissa pangalan ko kundi Melissa… pero Mely na lang para cute at astig. Hehehe.”, sagot ng matabang tindera.
“Gusto ko lang hong magsori sa sinabi ko kahapon. Hindi ko ho dapat sinabing “baboy” kayo…”
Napangiti si Aleng Mely pero bago pa siya makapagsalita eh nakahirit na ulit si Migs, “…dapat ho kasi eh “hippo” ang itawag ko. Hippopatamos! Hahahaha! Hahahahaha!”
Masayang masaya na tumakbo papalayo si Migs para pumunta sa bahay nila Daren. Napailing na lang si Aleng Mely at napabulong sa sarili, “Bwisit ka talagang bata ka. Kung hindi ka lang anak ni Kapitan, matagal na kitang isinubsob sa tae ng mga biik ko este ng alaga kong inahing baboy.”
Nakatira sa isang maliit na barung-barong, tagpi-tagping plywood ang dingding ng bahay nila Daren. Pero sa loob nito ay tambak ng mga magagandang gamit. 21 inches na colored TV, 2-door refrigerator, double deck na mga higaan, mga malalaking porselanang banga na may disenyong Chinese. Pinilit na pagkasyahin sa maliit na espasyo. Isama pa ang 5 pang kapatid na nakababata ni Daren. Laging masarap ang ulam sa bawat kain. At lampas pa sa 3 kain sa maghapon ang nagyayari sa maliit nilang mundo. Ang nanay nya ay laging nakasuot ng mamahaling alahas kahit na nasa bahay lamang ito. Lahat ng iyon ay nagsimula, ng maging kanang kamay ni Kapitan Dimagiba ang kanyang ama.
“Reyjohn! Psst! Reyjohn! Yoohooo!”, tawag ni Migs sa harap ng bahay ng kaibigang natutulog pa ng mga oras na yon. Gising na abnoy! May pupuntahan tayo! Hoy!”.
Walang tumutugon. Kumuha ng maliit na bato si Migs at pinilit na batuhin ang bintana kung saan natutulog ang kaibigan.
“Walanghiya naman! Sino bang tarantado ang namamato sa Palasyo ko!”, boses yun ni Mang Renan, ang tatay ni Daren.
“Naku pasensya na ho kayo Mang Reman, binato ko ho kasi yung aso na umiihi sa pader nyo. Aksidente hong pumasok sa bintana nyo yung bato, andyan ho pala kayo.”
“Renan iho, di ka na nakatanda. Nung isang araw eh Reynan naman tinawag mo sa akin. Para ka talagang tatay mo. Hehehe. Ano bang kailangan mo? Pasok ka muna at sumabay ka na sa aming magkape.”,sambit ni Mang Renan na noon eh hinihimas ang talukap ng mata kung saan tumama yung bato.
“Gwapo din ako gaya ng tatay ko. Yun ang gusto nyong sabihin di ho ba Mang Ramon? Nga ho pala, si Daren ho?”, napapangiting tanong ni Migs.
“Sandali iho at gigisingin ko. Umupo ka muna dyan… Daren! Daren! Nandito si Micollo! Aba gumising ka na! Putragis ka, umihi ka pa sa kama, kalaki-laki mo na. Pasalamat ka at washing machine na may dryer yung nabonus ko sa trabaho.. ”, sambit ni Mang Renan na may halong pagyayabang habang ginigising at sinesermunan ang anak.
“O bestfriend! Saan ba ang lakad natin at napakaaga mong pumunta dito? Pag klase tanghali ka na gumising, pero pag ganitong Linggong walang pasok, para kang alarm clock.”, sagot ni Daren na noon eh kakalabas lang sa higaan at pinupunasan ng basahan ang naihian na damit. Natulala si Migs ng lumabas ang dalagitang kapatid ni Daren, si Elena, mas bata ng isang taon. Makinis, maputi, at maganda ang katawan.
“Hoy! Abnoy, tinatanong kita, saan ba ang lakad?”, ani Daren.
“Hi Elena, mas maganda ka pala ka pag bagong gising. Hehehe. ”
Napatitig si Migs sa maamong mukha ng dalagita sabay sulyap kay Mang Renan, “Ang swerte nyo naman Mang Norman, ang ganda ng anak nyo. Tiyak na madami nanliligaw dyan ano ho? Hehehe.”
Napangiti na lang si Mang Renan dahil abala sa paghigop ng kanyang kape.
“Sa Bakanteng lote Daren. Pupunta tayo. Sinabihan lang kita ng maaga para mapaghandaan mo ang mangyayari mamaya. Dumaan ka sa bahay mamayang alas dos ng hapon. Mamaya ko na sasabihin sayo ang lahat ng gagawin natin.”
“Putek ka, ginising mo pa ako eh alas dos pa pala ng hapon yang kawirduhan mo. Tyak tungkol na naman yan sa UFC na binanggit mo kagabi”, naiinis na sagot ni Daren.
“Tanga, ketsap yung UFC, baka KFC yung sinasabi nyo.”, nakisawsaw na si Mang Renan.
“Anung KFC? Magtatayo ba ng KFC sa bakanteng lote? Yung Big Mak nga nalugi, KFC pa. Tanga talaga to.”, sabi ni Aleng Marta, ang nanay ni Daren na noon ay nakisali na din sa diskusyon.
“ Baka ho Jolibee? Mabenta sa mga bata yun eh”, sabi ni Louie, sumunod kay Elena.
“Eh papano yung McDo? Tanga to!”, sabi naman ni Jose, sumunod ke Louie.
“Ewan ko sa inyong lahat. Ang tatanga nyo! Iho, pasensya ka na sa kabobohan ng mga anak at asawa ko ha.”, pagpapakumbaba ni Aleng Marta habang napapakamot sa kahihiyan.
“Wala ho yun Aleng Maria. Sige ho, tutuloy na ako. Psst, hoy Daren. Hintayin kita mamaya ha. Alas Tres ha. Tsaka babay sayo Elena. hehe”.
“Akala ko ba Alas Dos?”.
“Akala mo lang yun Tanga. Maglinis ka ng tenga ha. Basta hintayin kita. Paalam biyatch.”
“Utot mo.”
Biglang pabulong na sinabi ni Daren sa kaibigan, ”Pati ba naman kapatid ko?”
“Tanga ka talaga, nagkakameron na yan kaya pwede na. hahahahaha! Basta pumunta ka, kundi tutuliin kita. hahahaha”, huling bulong at demonyong halakhak ni Migs bago nito tuluyang nilisan ang bahay nila Daren.
3
“Aling Melissa! Aling Melisa!”, tawag ni Migs sa tindahan ni Aleng Melissa, mga alas dos y medya ng hapon.
“Ano na namang katarantaduhan ang dala mo dito ha?”.
“Wala ho, itatanong ko lang ho kung may isteypler ho kayo.”
“Wala!”, inis na agad ang matabang tindera, marahil eh dinatnan ng buwanang dalaw.
“Wala ho talaga?”, pangungulit ni Migs.
“Wala nga!”.
Napahimas ng baba si Migs, nag-astang matalino at dahan dahang bumigkas ng salita sa isang pataas na tono,. ”Pabili hong… pabili hong…PABILI HONG FUNNY KOMIKS! PABILI! PABILI! HAHAHAHAHA!”, pasigaw na sambit ng makulit na payatot na tonong nag-aasar.
“Wala ka na talagang sinabing matinong payatot na mutain na hindi naliligo to the highest level of cheverlu eklabu ka! Bwisit!”, sabay isnab ng matabang tinderang hindi maipinta ang mukha sa pagkaasar sa binatilyong mahilig mangulangot.
Habang hinihintay ni Migs si Daren, sunud-sunod na wang wang ng ambulansya ang narinig nya. Tatlong ambulansya ang dumaan. Ayon sa narinig nyang tsismisan ng mag taong usyoso at dumadaan, lulan nung isa si Mang Deret, na bigla na lang daw nahimatay sa kanilang bahay habang nanonood mag-isa ng bold na pelikula. Lulan naman nung isa si Mang Raymond, na matapos bugbugin ng asawa dahil sa madalas na pag-inom ng alak sa beer house at laging me mantsa ng lipstick sa short ay nakita na lang na may dalawang maliit na sugat sa leeg na parang me kumagat. Ang pangatlo namang ambulansya ay lulan si Mang Gene, na binugbog ng mga kapibahay ng nahuling binobosohan ang dalagang anak ni Mang Danver habang naliligo sa banyong sako lang ang dingding.
“I…am… sorry… I… am… later… than… never!”, sambit ng hinihingal na si Daren na noon eh kararating lang at pawisang pawisan at kunyaring alam ang ibig sabihin ng English na binitiwan nya.
“Anong oras na baluga ka? Kanina pa akong ala una naghihintay sayo.”, sagot naman ni Migs na nag-aastang inip na inip na.
“Utot mo, alas tres sabi mo. Pasalamat ka nga at pumunta ako. Kung hindi mo lang ako binantaang tutulian, hindi ako pupunta eh. Hehehe.”
“Magsilayas nga kayo dito sa harap ng tindahan ko. Kaya naman ako minamalas dahil may mga balat kayo sa puwet!”, sabat naman ni Aling Mely na noon eh nakasabunot na sa sariling buhok.
“Ikaw nga Aling Hippopatamos, maitim ang singit! Hahahaha!”, pang-aasar ni Migs.
At sabay sibat ng dalawa papunta sa bakanteng lote ng Baranggay at naiwan si Aleng Mely na tulala at pabulong-bulong sa sarili, “Paano nila nalaman? Asawa ko lang, ako at si Mang Isko ang nakakalam noon? Paano? Paano? Paano...? Paano…?”
4
Holding hands na naglalakad ang magkaibigan patungo sa bakanteng lote na parang magkasintahang sabik na sabik sa isat-isa. Nagkukulitan at nagkukurutan ng tagiliran. Napakasweet na parang kahit buong batalyon ng langgam ay mapapagkamalan silang asukal. Pero mapapasuka tiyak ang mga langgam sapagkat napakaalat at napakaasim dahil pareho na silang ilang araw ng hindi naliligo. Tatawa-tawang pinuna sila ni John Carlo, ang pinakawirdo nilang kakalase. Palagi itong nakikitang nagsasalita ng walang kausap at nakatingin sa kawalan at pag minsan ay sa malawak na langit na para bang naghahanap ng hugis kunehong ulap. Laging pinag-uusapan ng kanyang mga kakalase na may mga kaibigan daw itong nakikita na hindi nakikita ng karaniwang tao. Kaya daw ito laging perfect sa mga exams at quizzes kasi, ayon sa mga kakalaseng saksi at mga nangtitrip lang, binubulungan daw ito ng mga kaibigan nyang “imaginary”.
“Kulang na lang ang “I Love You” at halik at mapapagkamalan na kayong magsyota ah.”, seryosong bati ni John Carlo sa dalawa na noon ay natauhan at nandiri sa kanilang ginagawa.
“Duh! Kesa naman imbisibol ang syota!”, sabi ni Migs, sabay akbay kay Daren.
“Olags”, sabay tulak ni Daren sa kaibigan. “Bakla ka ata eh!”
“Tae! Mamatay na ang bakla! Kung bakla ako, didilim ang mundo!”
“Baluga ka, bilisan na natin at may ipinapabili pang toyo si mommy!”, resbak ni Daren. “At ikaw John Carlong otistik, wag kang puna ng puna kung gusto mo pang abutin ng umaga.”
Nanatiling seryoso ang mukha ni John Carlo at nagpatuloy na siya sa paglalakad habang bubulung-bulong ng lengwaheng hindi kayang intindihin ng normal na tao. Kasabay noon ay ang biglaang pagdilim ng kalangitan.
“Putakte, nakikita mo ba ang nakikita ko?”, gulat na gulat na sambit ni Daren habang nakatayo ang dalawa sa bukana ng bakanteng lote.
“Alin? Yun ba?”, sabay turo ni Migs sa karatulang nakadikit sa poste na may nkalagay na “NO TRESPASSING”.
“Tanga, yung langit. Nagkatotoo ang sabi mo. Sinagot ng langit ang sinabi mo. Dumilim ang langit. Bakla ka nga ata eh! Nangangati ako sayo. Sa tinagal-tagal na magkaibigan tayo. Ngayon mo lang sinabing bakla kang hayop ka.”, ani Daren
“Alin ba yun?”
“Eh bakit ka madalas kumindat sa akin dati?”
“Ulul, kita mong napuwing lang ako nun.”, depensa ni Migs.
“Eh bakit mo ako binigyan ng bulaklak at chocolate noong balemtayms day?”
“Tangengot ka talaga. Para kay Elena yun! Matagal ko ng kras yun. Nahihiya lang ako kaya “Four Reyjohn” ang inilagay ko sa halip na “Four Elena”.”, di na maipinta ang mukha ni Migs dahil nahihirapang magpaliwanag.
“Eh yung pagyakap mo sa akin nung nakita mo akong nakahubad sa banyo ng klasrum?”, muling tanong ni Daren.
“Alin, yung may kurot pa sa nipples mo?”
“OO!”
“Yung kinalikot pa ang pusod mo?”
“OO!”
“Yung may kasama pang himas sa puson?”
“OO! Yun nga. Kabaklaan mo!”
“Hayup!. Hindi na ako yun.”, iiling-iling na sagot ni Migs na nangasim na ang mukha. “Tanga ka. Si Cesar Abnoy yun. Yung makapal ang labi, maitim ang gilagid at me galis! Pikit ka kasing ulaga ka! Nasarapan ka ata. At hindi ako bakla, isaksak mo sa kilikili mong may anghit…”
“Pwe! Kaya pala kinilabutan ako noong may kinakalikot ang gago.”, sambit ni Migs na diring-diri sa sarili.
“Kalimutan na natin yun.” Kahit ako nasusuka kapag naaalala ko. Hehehe.”’
“Sige, pahalik na lang ako ng lips to lips para mapatunayan ko sa iyo na hindi ako bakla. Hehehe.”, nakangiting sabi ng payatot na baluga.
“Bulshit ka. Subukan mo, papatulan kita. Hahahaha. ”, at umugong na ang tawanan sa usapan ng dalawang magkaibigan.
“Tanga boy, para kay Elena yun. Haha. At hindi lang halik ang gagawin ko.”
“Mamatay ka ng hayop ka.”, sagot ni Daren
“Pagkatapos mo.”, bwelta ni Migs.
Sa mahabang diskusyon ng dalawa ay hindi nila namalayan na dumilim na ng husto sa kanilang lugar na kinatatayuan. Lumakas na ng husto ang hangin. At sunud-sunod na kulog at matatalim na kidlat ang ibinuga ng kalangitan. Hindi maipinta ang mukha ni Daren sa takot at hindi maiguhit ang mukha ni Migs sa pagkabigla at pagkamangha. Parehong hindi nakapangsalita ang dalawa at nanatiling nakanganga hanggang sa bumagsak sa malayo ang isang nag-aapoy na bagay.
“Tara ng umuwi Migs, natatakot na ako. Gusto ko pang mabuhay, yumaman, magkaasawa, magkaanak at bumili ng toyo. Mapapagalitan ako ni mommy kapag namatay ako!”
“Ang ober aktor mo. Kakaladkarin kitang abnormal ka. Ito na ata yung hinihintay natin. Tara na, pumasok na tayo.”, sagot ni Migs habang hawak si Daren sa kwelyo ng damit.
“Teka, pano yung nakasulat na “no trespasing”?”
“Bobo, ibig sabihin ng “no trespasing” eh bawal ang tatlong pasado. Tanga ka kita mong dalawa lang tayo. At hindi tayo pasado! Zero ka nga sa exam eh kahit na nangodigo ka. Tayo na. pwede tayo dyan.”
At magkasama ngang nilabag ng dalawa ang karatula at sapilitang isinama ni Migs ang takot na takot na kaibigan. Pinagpapawisan ito ng malalamig, maliliit at butyl-butil na pawis. Nang papalapit na sila sa umaapoy na bagay ay biglang napapikit si Daren at huminga ng malalim.
“Teka lang abnoy, napatae ako sa short”
<><><><><><><><><>
5
Tuluy-tuloy pa rin at abalang-abala ang mga kabataan sa kompyuteran malapit sa paaralan. Maingay at nagmumurahan ang mga naglalaro. Yung mga tahimik naman ay nanonood ng pornograpiya. Sikat na sikat sa mga delingkwenteng kabataan ang ganitong mga gawain, may pasok man o wala sa eskwela. Pinakamaingay sa mga ito si Chris, 20, 3rd Year na sa High School. Anak ng isang negosyanteng Tsinoy na syang ngmamay-ari ng nasabing kompyuteran. Pahinto-hinto sa pag-aaral sa kadahilanang paulit-ulit na nadadrop sa eskwela dahil paulit-ulit nitong binabastos ang mga guro, maging ang principal. Sumasagot ito ng padabog kapag tinatanong, mahilig mag-angat ng palda ng kaklaseng babae at mahilig makipag-away. Nag-aastang hari ito sa paaralan maging sa Ika-apat na antas. Bagamat nabiyayaan ng magandang buhay at magandang hitsura, nagmumukha pa rin itong tanga sa harap ng iba.
“Anak, tama na muna yang laro. Pumunta ka muna kina Aleng Melissa para kunin yung bayad sa inutang nyang paninda. Dun mo na lang kuhanin yung pambili mo ng PSP”. Si Yuzuru Procopio Chua, ang tatay ni Chris. Kilala bilang isang maimpluwensyang tao sa Barangay Tamisian. Bukod sa kompyuteran ng baranggay na ilang beses ng pagtangkaang ipasara ay hindi magawa gawa dahil sa hindi malamang kadahilanan, pagmamay-ari rin nito ang isang marangyang bahay, malaking lote sa bayan, talyer sa katabing baranggay, tindahan ng mga pakain sa baboy, tindahan ng mga pekeng appliances at DVD tapes sa Divisoria, kasosyo sa illegal na beer house sa Malate, at nangungunang big time sa industriya ng shabu. Mahigpit nitong kalaban si Kapitan Dimagiba sa eleksyon ngunit palaging natatalo at nag-aakusang dinaya siya ni Kapitan.
Sandaling iniwan ni Chris ang ginagawang pakikipaglaro sa kompyuter. Tumindig. Hinugot ang kalahating suklay sa likod na bulsa ng kupas na pantalon at mabilis na itinaas ang buhok. Isinuot ang sunglasses na nakasukbit sa damit. Iniunat ng kaunti ang mga kamay at mayabang na lumabas sa kompyuteran para sundin ang bilin ng ama.
“Tae boy ka. Dito ka pa dumayo. Bilisan mong magpunas nyang kalat mo. Maya-maya ay tyak na dadagsa na ang mga usyoso dito. Itapon mo na yang brief mong may tae tutal limang araw ka na din naman yatang hindi nagpapalit. ”, sabi ni Migs habang pinipilit magsalita ng nakatakip ang ilong.
“Tanga, sayang eh. Pwede pang labhan to.”, sambit naman ni Daren habang itinatago ang brief sa bulsa.
“Bilisan natin! Nakikita ko na yung nag-aapoy na bagay!”, wala sa mukha ni Migs ang anumang pagkatakot. Hindi sya kinakabahan sa anumang pwedeng mangyari. Hindi sya natitinag ng malakas na hangin at madilim na kapaligiran samantalang nanginginig na ang mga kalamnan ni Daren dulot ng lamig at takot.
“Saglit lang! Baka mapano tayo dyan! Bobo ka ba? Hindi ka man lang nag-iisip!”
“Ikaw ang bobo. Ako ang nakadiskubre nito. Matatalino lang ang mga nakakadiskubre. Katulad ng mga sayantis. O di ba? Mula ngayon ay isa na akong sayantis. Bahala ka kung gusto mo ng umuwi. Hinding hindi kita hahatian sa madidiskubre ko.”, mayabang na tumindig ng tuwid si Migs at iniwan ang kaibigang di makagalaw sa kinatatayuan.
Mula naman sa tindahan ni Aleng Marta ay natatanaw ni Chris ang isang napakaliwanag na bagay. Pumikit siya ng tatlong beses. Walang nagbago. Kinurot nya ang sarili. Mas lumiwanag yung pangitain. Tinanong nya si Aleng Mely. “Aleng Melitabang baboy, nakikita nyo ho ba yung maliwanag na bagay na yun? Mukhang nasa bakanteng lote. Parang nag-aapoy ho eh.”
Sumulyap si Aleng Mely sa bintana. Walang nakita. Lumabas ng tindahan. Tinitigang mabuti ang direksyong itinuturo ni Chris. Nakiusyoso rin si Mang Isko na noon ay dalawa ang pakay sa buhay, ang bumili ng sigarilyo at bolahin si Aleng Mely. Dahan-dahan itong lumapit kay Aleng Mely, ibinaling ang paningin sa lugar na sinasabi ni Chris at ibinaling ang mga kamay sa beywang at dibdib ng matabang ale.
“Sugarpie naman, wag dito. Nakakahiya. Sa loob na lang tayo. Isasara ko ang tindahan. Tamang-tama, wala ang asawa ko tsaka safe ako ngayon ahihihi.”, malanding bulong ni Aleng Mely kay Mang Isko. Sabay baling kay Chris, “Adik kang bata ka. Kaali-aliwalas ng paligid. Ilang shabu ba ang natira mo? Oh itong bayad ko. Wag mo akong abalahin.”. Nagmamadaling isinara ni Aleng Mely ang kanyang tindahan at hinigit ni Mang Isko na abot sa batok ang ngiti.
“Mamatay na kayong dalawang bulag. Tae kayo puro kasi kayo landian. Sigurado ako sa nakikita ko. Pupuntahan ko yun bago pa mapuntahan ng iba.”, sambit ni Chris sa sarili at tumatakbong tinahak ang daan papuntang bakanteng lote.
<><><><><><><><><>
6
“Migs naman! Wag mo akong iwan dito! Putik! Baka mapahamak ka! Bestfriend! Bestfriend! Tanga ka, baka kung ano na yan! ”, pagpipigil ni Daren sa kaibigan.
“Tumahimik ka. Kung ayaw mo wag! Napakaduwag mo talaga! Umuwi ka na! Dismayado ako sa iyo!”, iiling-iling ang ulo ni Migs at dire-diretso pa rin na lumapit sa nag-aapoy na bagay.
Sinlaki ng bunganga ng bulkang Taal ang butas sa lupa. Dahan dahang sinilip ni Migs ang butas at nanlaki ang mga mata sa nakita. Sinlaki ng isang malaking bahay ang nasaksihang bagay ni Migs. Umaalab ito ng husto pero walang nararamdamang anumang init ang binata. Hindi siya nakagalaw. Noon lang siya nakaramdam ng takot. Doon siya pinagpawisan ng husto. Napapansin nyang mas lumiliwanag ang bagay. Lalong lumaki ang apoy. At habang lumalaki ito ay lumalaki din ang butas at nadudurog ang lupa. Hindi na naiwasang mapaurong ni Migs at mapaupo sa kinatatayuan.
“Micollo! Umalis ka na! Delikado dyan!”, sumisigaw si Daren pero hindi sya naririnig ng kaibigan. “Micollo! Micollo! Migs! Tae ka! Hoy! Hoy!”
Wala na sa sarili si Migs. Hindi nya alam kung paano sya makakaalis. Pinilit nyang iangat ang katawan pero hindi nya magawa. Kahit ang mga paa ay hindi nya maigalaw. Lumingon sya pero napalibutan na siya ng apoy. Pumikit sya para magdasal. Saka pa lang nya naisip si Daren na noon ay paos na paos na sa kasisigaw.
“Daren takbo na!”
“Hindi ako aalis ng hindi ka kasama! Ililigtas kita!”
“Tanga ka!”, sabi ni Migs.
“Ikaw bobo!”,sagot ni Daren.
“Bosero! Sira ulo!”, sabi ulit ni Migs .
“Utot mo!”, sagot ni Daren.
“I love you!”, hirit ni Migs.
“I love you too!”, sambit ni Daren.
“Mwah mwah! Tsup! Tsup!”, ganti ni Migs.
“Pakyu!”, banat ni Daren
“Andadrama nyo. Duwag naman kayo pareho. Mamatay na kayo. Tae lang naman kayo sa lugar na ito.”, sabay dating ni Chris na noon ay nakapamewang pa at pormang-pormang suot ang kanyang sunglasses.
“Pagkatapos mong mamatay ungas! May araw ka rin!”, magkasabay na sinambit ng dalawa.
“Pwes! Ito ang araw ko!”, pagkatapos noon ay walang pag-aatubiling tumakbo si Chris patungo sa nag-aapoy na bagay at walang takot na nilundag ang bunganga ng butas.
“Tangaaaaaaa ka talagang hayop ka! Mamatay ka na sanaaaaaaaaa!”, sigaw naman ni Daren.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!”, sigaw ni Migs habang nahuhulog at kinakain ng apoy.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!”, sigaw naman ni Chris habang nahuhulog din at kinakain ng apoy.
“Weeeeeeeeeeeeeeeehhhhhhhh!”, sigaw ng nilalang na umiilaw ang mata at enjoy na enjoy habang nahuhulog at kinakain ng apoy ang dalawa.
Sa isang iglap ay lumaki ng husto ang butas. Kumawala ang napakalaking bola ng apoy. Umilaw ng sobrang liwanag ang nag-aalab na bagay. Hindi na nagawang makaalis ni Migs sa kinatatayuan. Tuluyan na syang nahulog sa lumaking butas. At kasabay ng pagbagsak ni Chris sa tinalunang lugar ay isang napakalaking pagsabog na yumanig sa buong kalupaan. Sa lakas ng pagsabog ay tumilapon si Daren at napasabit sa sanga ng isang puno.
Walang malay. Walang ulirat. Walang brief. Nakasabit sa puno. May tae sa pwet.
<><><><><><><><><>
7
“Tinamaan ka ng lintik kang bata ka. Kagabi pa kita hinahanap, dito ka lang pala tatambay. Talagang may pagkatamad kang pumasok ano. May pag-akyat ka pa sa puno at may pagtae ka pa sa short mo.”.
Hindi maintindihan ni Daren ang nasa paligid nya. Nakaupo sya sa ilalim ng puno ng mangga. Nahihilong iminulat ng dahan dahan ang mga mata. Malabo. Wala syang maaninag kundi mga aninong kulay puti. Pinilit ibuka ang mga bibig pero walang lumalabas kahit konting salita. Lambot na lambot ang buong pangangatawan. Ni kilos na bahagya ay hindi nya magawa. Naubos na rin ang amoy dahil natuyo na ang tae sa pwet. Tadtad ng uling ang katawan na syang ipinagtaka ng kanyang ina. Dahil hindi makausap ng matino, isang malakas na sampal mula kay Aling Marta ang gumising sa diwa ng binata.
“Aray! Bakit naman ho mommy?”
“Kasi mahal kita anak.”
“Uhmmmp!”, isang mas malakas na sampal ang tumama sa ina.
“Arekup! Putragis na…”
“Mahal ko rin ho kayo.”, sabat ni Daren habang tumatayo at pinapagpag ang sarili bago pa tuluyang matapos magsalita ang ina.
Napatulala bigla si Daren sa paglingon nya sa gawing kanan nya. Naguguluhan. Wala na ang malaking butas. Wala na ang malakas na hangin. Wala na ang madilim na langit. Wala na ang nag-aapoy na bagay. Litung-lito sa mga pangyayari. Saka pa lang naisip ang matalik na kaibigang nakita nyang kasamang sumabog at nilamon ng apoy.
“Mommy, si Migs ho?”
“Aba malay ko sa kaibigan mong may putok.”, sambit ni Aleng Marta habang hinihimas ang namumulang pisngi.
“Kasi ho… nakita ko hong…”, paputul-putol sa pagsasalita si Daren. Hindi nya alam kung papaano ikukwento ang lahat ng naganap nung kinahapunan. Hindi nya alam kung papaano sasabihin ang tungkol sa malaking butas sa lupa at ang nag-aapoy na bagay at higit sa lahat ang pagsabog na naganap. “Kasi ho… nakita ko hong nilamon ng apoy si Migs. Isang napakalaking apoy.”
“Tanga. Katangahan mo. Pumapasok sa eskwela ngayon ang kaibigan mo.”, nagsalita na si Mang Renan na matagal na palang nandoon. “Sinundo si Elena kaninang umaga. Itinatanong ka nga eh. Sabi ko baka kung saan ka na naman napasuot.”
Lalong naguluhan si Daren. Napatitig sya sa ama sa sobrang pagtataka. “Ngunit papaanong..?”
“Puro ka kasi kabobohan sa buhay kaya kung anu-ano na ang naiisip mo at napapanaginipan. Ayusin mo ang buhay mo. Gumaya ka sa amin ng tatay mo! Loser ka.”, sabi ni Aleng Marta.
“Whatever!”, sagot ni Daren. “Kailangan kong umuwi na at magbihis para makapasok sa eskwela para linawin ang lahat.”
“Maligo ka muna. Nagkandadikit na mga tae mo. Kadiri ka tinamaan ka ng lintik ka.”
“Bukas na ho. Madadaan ko ho to sa ngiti. Hehehe.”, at nagmamadali na ngang umuwi ang binatang may nakadikit na tuyong tae sa short para palitan ang damit na ilang araw ng hindi napapalitan.
Sa eskwelahan, nakatambay si Migs sa labas ng silid nila Elena. Sumusulyap- sulyap sa bawat galaw ng dalaga. Sa kaniyang paningin, animo’y anghel na walang pakpak ang dalaga. Sa tuwing mahuhuli naman syang nakatitig dito ay biglang titingin si Migs sa langit at sisipol-sipol. Sa kanyang pagtitig ng matagal, may napansing kakaiba si Migs sa loob ng silid na malapit kay Elena. Isang taong nakasuot pampari ang nakaupo sa isang upuan. May hawak na libro na animo’y bibliya. Ngunit walang ulo. Tumindig bigla ang pari, itinaas ang kamay at kasabay noon ang biglaang pagsakit ng kanyang ulo at panlalabo ng paningin. Pumikit si Migs ng mga ilang minuto at sinubukang tingnan ulit ang silid pero hindi na ang paring walang ulo ang nakita nya, kundi isang estudyanteng lalaking nakasuot ng bra.
“Guni-guni lang siguro… pero parang totoo.”, sabay punas ang pawis sa noong di maalis ang pagkakakunot.
“Mukhang malalim ang iniisip mo. Tahimik ka ata.”, isang pamilyar na boses ang biglang nagpagulat kay Migs.
“E…le..na?!, Ikaw pala. Hindi kita napansin na lumapit sa akin. Hehehe. Wala to. Sumakit lang ang ulo ko.”, napangiti si Migs.
“Hala! Bakit?”, tanong ni Elena.
“Ikaw kasi ang iniisip ko.. hehe. ”, mahinang sabi ni Migs. Napayuko na parang nahihiya sa kausap. “Naalala mo pa ba noong naglalaro tayo nila Daren at aksidente kitang nahalikan sa labi?”
“Oo, galit na galit ako sayo nun. Para kasing sinadya mo eh.”
“Hindi ah.”
“Eh bakit may dilang kasama?”
“Hehehe. Promise hindi talaga. Eh yung iniligtas kita sa mga nanloloko sayong panget, naaalala mo?”
“Wala namang ganung nanloloko sakin ah.”, pagtataka ng dalaga.
“Wala nga. Kasi maganda ka na noon pa man. hehehehe”, pambobola ng binata.
“Hehe, baliw! Kaw talaga, pinatatawa mo ako.”, natatawang sabi ni Elena.
“Sana may kamera ako ngayon anu?”, hirit na naman ni Migs.
“Bakit na naman?”
“Para maipadevelop na kita…”
“Digicam na uso ngayon, baliw. Tsaka anong malay mo sa pagkuha ng kamera. Dyan ka na nga. Hinihintay na ako nila Katrina sa kantin. Hehe.”, sabay alis ni Elena na may halong kilig.
“Sandali Elena! May nakalimutan pa akong ipaalala sayo!”, muling tawag ni Migs sa papalayong dalaga.
“Alin na naman?”, natigilan si Elena.
“Yung mga araw na magkasabay pa tayong umiihi sa harapan ng bahay nyo. Hehehe.”
Saglit na natigilan si Elena. Sumimangot na tila napahiya.Tumalikod at kasabay noon ang diretsong pagpunta sa kantin ng paaralan. Lumingon si Migs. Madami palang nakarinig ng kanyang sinabi. Napakamot na lang ng ulo, napagtanto ang katangahan at tumingin sa unti-unting lumalayong dalaga papunta sa kantin.
“Putcha. Ano yun?”, bigla nyang pagtataka.
Isang imahe ng pari na nakangiti sa kanya ang kanyang napansin na nakatayo sa pinto ng kantin. Hawak ang bibliya. Umiilaw ang mata at dahan-dahang nawawala ang ulo. Mas malinaw na ang imahe. Kinilabutan si Migs. Pumikit sya pero mukha nung pari ang nakita nya. Maitim at mapula ang mga mata. Nakangiti na nakasara ang labi na parang nagpapahiwatig ng hindi magandang mangyayari. Nakakatindig ng balahibo ang hitsura. Sa pagmulat ni Migs, dalawang salita lang ang lumabas sa bibig nya. “Elena, wag…”
<><><><><><><><><>
“Hoy baluga kong bespren!”, isang mahinang suntok sa braso ang tumama kay Migs. “Kanina ka pa pala dito. Akala ko namatay ka na.”
Nakayuko si Migs. Hindi pinapansin ang dumating. Nakakunot ang noo at malalim ang iniisip. Muling pinunasan ng palad ang noong butil-butil ang pawis. Hindi gumagalaw. Huminga ng malalim at bumulong sa sarili, “Ano yung paring ulong-pugot na nakikita ko? Hindi maganda ang pakiramdam ko. Nanganganib si Elena. Kailangang may gawin ako.”
Walang anu-ano’y isang first year student ang humihingal na sumisigaw papalapit sa dalawa. “Kuya, kuya. May nanggugulo sa kantin na upper class! Sinasaktan ang mga bumibili!”
Isang iglap ay tumindig si Migs. Tumingin ng diretso sa kinaroroonan ng kantin. Nagkakagulo na ang mga tao. Nagzoom ang kanyang paningin at napansin ang dalawang pamilyar na tao, si Chris na hawak-hawak ng mahigpit ang katawan ni Elena na parang asong ulol na mangangagat.
“Humanda ka sa aking demonyo ka.”. Kasunod noon ay ang pagtakbo ni Chris sa lugar ng kaguluhan.
Samantala. Naiwan na naman si Daren na tulala. Naguguluhan at hindi maintindihan ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Pinunasan ang noong wala namang pawis. Nagtatakang iba ang ikinikilos ng kaibigan. Dahan-dahang lumakad papunta sa lugar ng kantin habang kinakamot ang ulo na puro balakubak. “Tae, ano ba yung “aper klas” na sinabi nung pers dyir na un? At bakit astang superhero ang mokong na yun? Tae, may shooting ba dito? At bobo ba ako?”.
“Oo bobo ka. Hahahaha!”, sigaw ng mga tumpok ng estudyanteng nakatambay sa gilid ng classroom at tumatawa na parang nang-aasar.
“Tanga! Hahahahahaha!”, sabi naman ng mga kadalagahan na sabay sabay nagkakamot ng maiitim na hita habang inaayos ang stockings na wala naman sa prescribe uniform ng paaralan.
“Mamatay ka na!”, sabi naman ng mga teacher na nakita nyang nilabasan ng mapulang ilaw sa mga mata.
Yumuko si Daren. Tuloy pa rin ang pag-ugong ng maga boses. Umiling-iling na parang kinakalog ang ulo. Pumikit si Daren. Nakita nya naman ang mukha ng nanay nya. “Putragis kang bata ka. Wala ka ng ginawang tama.”, sabi ng nanay nya sa isip nya.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Ayoko na!”, sabay takbo ni Daren papunta sa lugar na matapang na tinutungo ng kaibigan.
Mataas na ang araw. May lakad si Kapitan Dimagiba at si Mang Renan. Lulan ng sasakyang patrol ng baranggay, isang liblib na lugar ang kanilang pinuntahan. Magubat ang paligid at medyo madilim dahil sa naglalakihang mga puno na humaharang sa sikat ng araw. Walang anu-ano’y tumirik na lang bigla ang patrol sa gitna ng daan.
“Pare, naubusan yata tayo ng krudo.”, sambit ni Mang Renan habang napapakamot ng ulo.
“Diba kakapuno lang natin ng tangke nyan bago tayo umalis?”, sagot naman ni kapitan.
“Ay, oo nga pala. Hehehe. Ano kayang problema?”, tanong ni Mang Renan.
“Bakit ka sa akin nagtatanong?”, sagot ulit ni Kapitan.
“Malamang dalawa lang tayo dito. Alangan namang tanungin ko sarili ko.”, balik ni Mang Renan.
“Alangan namang ako ang magtanong sa’yo eh ikaw nga ang nagtatanong. Tsaka bakit ko sasagutin kung hindi mo naman ako dapat tinatanong. Kung ikaw ang tanungin ko, sasagutin mo ba?”, paliwanag ni kapitan.
“Oo nga ano kumpare? Hehehe. Ang tanga ko.”, sambit naman ni Mang Renan na napahimas na lang ng buhok sa pag-amin ng kabobohan nya. “Teka, ano ba talagang sadya natin dito? Nakakatakot ang paligid eh. Akala ko nga may nakita akong babaeng nakaputi na nakatayo dun sa malaking puno na yun eh.”, dagdag pa nito sabay turo sa malaking puno ng balete.
“Kakausapin natin yung tribo ng mga mangyan dito. Nabalitaan ko kasing alam nila kung saan ang mina ng ginto dito. Tsaka puro ka imahinasyon. Walang multo dito o ano pa mang nakakatakot na bagay. Baka guni-guni mo lang yun.”, sagot ni kapitan.
“Siguro nga guni-guni ko lang yung babae na yun. Teka pare, tingnan ko muna yung sasakyan.”
“Sige, iihi na din muna ako.”
Habang umiihi sa kapitan ay biglang lumamig ang kanyang pakiramdam. Tumindig ang kanyang balahibo at parang kinikilabutan sya. Pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kaniya. Nilingon nya si Mang Renan pero abala ito sa pagtingin sa sasakyan. Nilingon nya ang puno ng balete at nabigla sya sa nakita.
Isang babaeng sobrang puti. Nakadamit ng puting-puti na baro at saya. Nakatayo sa puno ng balete. Hindi gumagalaw. Nakatingin kay kapitan. Nakangiti ang pulang-pulang labi. Ngunit hindi kita ang mata dahil natatakpan ng maitim ng buhok.
“Laba sa Tide…”, sabi ni kapitan. “…at mukhang masaya syang makita ang kapitan ni kapitan! Hehehe.”
Itinuloy ni kapitan ang pag-ihi sa harap ng babaeng nakaputi. Walang anu-ano’y nahawi ang maitim nitong buhok at lumabas ang maiitim nitong mata. Umagos ang dugo sa mukha ng babae. Ikiniling ang ulo at lalong lumakas ang agos ng dugo sa mukha. Ngumiti ito at nagsabing, “Tulungan mo ako… Tulungan mo ako…”. Palakas ng palakas ang boses. Sa bawat buka ng bibig ng babae ay unti-unting naagnas ang mukha nito. “Tulungan mo ako… Tulungan mo ako…”. Biglang nawala ang babae. Di makapagsalita si kapitan. Tuluyan na itong napaihi sa kanyang pantalon. Pinilit nyang lingunin ang kaibigan pero hindi nya maigalaw ang kanyang ulo. Sinubukan nya ding tawagin ang kaibigan pero walang lumabas na boses. Mga ilang minuto ang lumipas bago pa ito nakasigaw.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!”
Napalingon si Mang Renan. “Hoy kumpare! Iihi ka lang may pagsigaw ka pa. Tayo na. May naipit lang na sanga sa ilalim.”
“White Lady… may.. White Lady… humihingi ng tulong…”, takot na takot na boses ni kapitan habang dahan-dahang papalapit sa sasakyan..
“Guni-guni mo lan yun. Ako yung kanina pang humihingi ng tulong. Kanina pa kita sinisigawan kaso parang hindi mo ako naririnig. Hindi ko kasi maabot yung sanga kaya may…”
“Umuwi na tayo. Ayoko na dito. Bilisan mo.”, sambit ng pawisang kapitan na hindi na alam ang gagawin sa takot.
“Napaihi ka pa sa pantalon mo. Akala mo nakakita ka ng multo.”, sambit ni Mang Renan habang pinatakbo ulit ang makina ng sasakyan.. “Oh, buksan ko ang radyo para marelax ka. Guni-guni mo lang yun.”
“Tulungan mo ako…tulungan mo ako…tulungan mo..ako…”, boses na magmula sa radyo.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh!”, sabay sigaw ng dalawa na nagmamadaling pinabalik ang sasakyan. Walang hinto at dirediretso sa daan na parang hinahabol ng madaming pangarerang kabayo. Ng makalayo na ay pinahinto ni Mang Renan ang sasakyan upang magpahinga at magpunas ng pawis. Kabado at malakas ang tibok ng puso. Walang masabi at magawa si kapitan kundi kagatin ang labi.
“Ang baho.. ano yun? Amoy tae.”, sambit ni Mang Renan.
“Guni-guni mo lang yun.”, sagot ng kapitan na noon ay di mapakali sa upuan.
“Napatae ka sa short no?”, pagtatanong ni Mang Renan.
“Okay lang. Ipapalaba ko na lang sa asawa ko. Ang mahalaga ay ligtas nating natakasan yung nakakatakot na babae.” Nanginginig pa ding sambit ng kapitang napatae at tumutulo na sa upuan ng sasakyan.
“Labhan mo sa Tide.”, sambit ng babaeng nakaputi sa likod ng sasakyan. Nakangiti at umaagos ang dugo sa mukha.
<><><><><><><><><>
HINDI PA TAPOS... KASALUKUYANG GINAGAWA ANG CHAPTER 9... :)
